Nakatakip lang ng tuwalya sa baywang si David nang lumabas ng banyo. Katatapos lang niyang maligo at kasalukuyang ikinikiskis ang kanyang basang buhok sa isa pang tuwalya. Napadako ang kanyang mga mata kay Resha na pabaling-baling sa hinihigaang sopa.The couch is big enough to accommodate her but he can sense that she's not comfortable with it. And he's wondering why she's not saying anything about it. She endured sleeping there like she doesn't care of her discomfort. Napailing-iling siya. Ang hilig nitong sarilinin ang mga problema nito.
Did I misjudge her? Is she really innocent? Did she really have nothing to do with our marriage?
Kung ano-ano nang katanungan ang pumapasok sa kanyang isipan. Maghihigit tatlong buwan na silang nagsasama ni Resha sa bahay na iyon sa Memphis. At sa loob ng tatlong buwang iyon ay hindi niya nakikitaan ito nang hindi magandang pag-uugali.
Truth to be told, she was so kind, loving and caring. She never failed to take care of their son...and even him. Kahit labas na siya sa dapat nitong alagaan. She really did her role as a wife. Kahit pa lagi niyang nasisinghalan at naiinsulto ito.
Was she really my stalker? Did she really plan to hook up with me and take all my money?
Siya na rin ang kumontra sa iniisip niya. He gave Resha a credit card to buy all her heart's desire but to his surprise, his secretary told him his wife never take any single cent in the credit card.
Tinanong niya si Resha kung bakit hindi nito ginagalaw ang credit card na bigay niya, sinagot lang siya nito na hindi raw nito kailangan ang pera niya. May sarili raw itong pera.
Natawa siya sa kaarogantehan nito pero ipinilit niyang dapat gamitin nito ang credit card niya. Nang magmatigas ito ay kinumpiska niya ang sarili nitong credit card upang wala itong choice at gamitin ang pera niya. Hanggang sa ngayon ay nasa kanya pa rin ang credit card nito. Hindi na nga niya maalala kung saan niya initsa iyon.
Napasinghap siya nang gumalaw uli ito sa higaan at mahulog sa sahig ang kumot nito. Tumambad sa harapan niya ang makikinis na legs nito na kitang-kita sa nakalihis na pantulog nito.
Bigla siyang hindi mapakali. Lalo na nang mabistahan niya ang nakaumbok na cleavage nito. Tila binuhusan siya ng gasolina na nagpaalab ng apoy sa kanyang katwan.
Nilapitan niya ito at parang may kumirot sa puso niya nang makitang hinihimas nito ang likod na tila ba sumasakit iyon. Napatingin siya sa kanyang kama. Napakalaki niyon pero bakit hinahayaan niya ang asawa niyang matulog sa masikip na sopa?
Masyado na ba siyang nilalamon ng galit niya rito at nawawala na siya sa tamang rason?
Hindi na siya nagdalawang isip at hinawakan si Resha. Walang kahirap-hirap na kinarga niya ito at inihiga sa kanyang kama. Humahalimuyak pa sa ilong niya ang mabangong sabong ipinanligo nito.
Hindi muna niya inalis ang mga kamay na nakahawak dito bagkus ay yumuko siya para pagmasdan ang maamo nitong mukha habang natutulog.
Bakit ngayon lang niya napansing napakaganda nito? Simple at walang halong kolorote sa mukha. Hindi niya napigilang haplusin ang makinis nitong mukha.
BINABASA MO ANG
SHOTGUN MARRIAGE (COMPLETED)
Ficção GeralIsang shotgun marriage ang nangyaring kasal ni Resha. At ang masaklap, sa ex-boyfriend niya pang nanloko sa kanya 9 years ago! Paano niya pakikisamahan ito sa iisang bahay kung araw-araw ay inaakusahan siya nitong baliw na baliw pa rin dito at ang s...