CHAPTER 20

82.2K 1.6K 31
                                    

Maagang bumangon at gumising si Resha sa kabila nang pagkapuyat niya nang nagdaang gabi. Hindi siya nakatulog dahil sa muntikan nang mangyari sa kanila ni David. Hindi na bumalik ang lalaki sa silid simula noong lumabas ito. Nasaktan man ay ikinahinga naman niya iyon ng maluwag. Hindi niya alam ang gagawin kapag bumalik ito sa kuwarto.

Nang makakita ng damit pang babae sa loob ng wardrobe ni David ay isinuot niya iyon matapos maligo. Nagtataka siya kung bakit may nakatago damit ng babae sa loob ng wardrobe nito.
Naglibit balikat na lang siya at nagpasiyang tumulong sa mga katulong na magluto.

"Ay, Maam, huwag na po! Kami na pong bahala rito sa kusina," nahihiyang sabi ng matandang cook sa kanya.


"Ayos lang po. Isa rin po akong cook," pagbibigay alam niya sa matandang cook.



"Baka gustong ipagluto ni Maam si Young Master David!" tudyo naman ng isa sa mga katulong.


Bigla siyang pinamulahan ng mukha lalo pa't nagkatinginan ang mga ito at ngumiti ng makahulugan.



"Sige na nga po tutal ay para naman pala iyan kay Young Master David!" tila kinikilig na sang-ayon ng matandang cook saka hinayaan na siyang magluto.

Hindi na niya siya nagpatumpik-tumpik pa at sinimulan nang kolektahin ang mga rekados niya.
Inabot siya ng halos isang oras sa pagluluto.

Nang matapos ay inihain na niya ang mga niluto sa hapag. Nagulat ang mga magulang ni David nang makita siyang nag-aayos doon.

"M-ma, P-pa, kain na po tayo. Nagluto po ako," anyaya niya sa mga ito.


"You cooked all of these, Resha?" namamanghang tanong ng biyenan niyang babae.


Nahihiyang tumango siya. Ngumiti naman ito at kumuha ng tinidor upang tikman ang niluto niyang adobong manok.

Kinabahan siya nang pumikit ang matandang babae habang nilalasahan ang luto niya. Mayamaya'y idinilat nito ang mga mata saka tumingin sa kanya.

"I must admit, this is the most delicious chicken adobo I've tasted so far. Congratulations, Resha, you're a superb cook!" puri sa kanya ng matanda.

Pakiramdam niya ay nag-init ang kanyang mukha sa sinabi nito. Nakakataba ng puso ang naging komento nito sa luto niya.

"Nanay! Lola! Lolo!"

Napatingin silang lahat sa bungad ng dinning room nang makitang tumatakbo si Dan-dan sa kanila. Agad itong yumakap sa kanya saka sa lola nito tapos ay nagpakandong sa lolo nito. Tuwang-tuwang hinalikan ito ng mga matanda sa pisngi.

"Oh, David, glad you're awake! Let's eat, Resha cooked marvelous dishes for us!"

Nanigas ang likod niya nang marinig ang sinabing iyon ng matandang babae. Dahan-dahan siyang lumingon at nasalubong ang mga titig ni David sa kanya, particularly sa damit na suot niya. Nahigit niya ang hininga nang makitang bagong ligo at preskong-presko ito sa suot na T-shirt at khaky shorts.

Nag-iwas naman ito ng tingin sa kanya at nilapitan ang ina nito saka hinalikan sa pisngi. Ganoon din ang ginawa nito sa ama. Saka lang niya napansing kasunod nito si Abby at makahulugang tiningnan sila ni David.

Nang mag-umpisa na silang kumain ay agad na tumabi siya kay Dan-dan habang pinapagitnaan sila nito ni David. Hindi niya pa rin alam kung paano aakto sa harapan ng lalaki sa kabila ng muntikan nang mangyari sa kanila kagabi.

Ngunit kahit naiilang ay ginampanan pa rin niya ang papel bilang asawa nito at inasikaso ito sa pagkain. Nilagyan niya ng kanin at ulam ang plato nito. Napansin niyang hindi rin  makatingin ng diretso si David sa kanya.

SHOTGUN MARRIAGE  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon