CHAPTER 21

76.2K 1.6K 18
                                    

Fuck, Dave...get the hell away from that woman!

Pero imbes na pakinggan ang isipan at itigil ang ginagawang paghalik kay Resha ay mas lalo pang itinodo ni David ang ginagawa. He's on the heat with his wife. He couldn't control his body anymore.

Last night was so tempting he almost took her right there and then but he pulled himself away. Natutukso na siya sa babae kagabi pa. Napakakinis ng balat nito at napakasarap halikan ng mga labi nito.

Ibang-iba kay Jessica...

Dala marahil ng kanyang matinding kalasingan kagabi at panibugho dahil sa pag-alis ni Jessica papuntang States ay inisip niyang ito si Resha. Ngunit nang tumagal ang paghahalikan nila ni Resha ay napagtanto niyang hindi ito si Jessica.

Wild si Jessica at maalam sa sex. Itinuro niya lahat dito ang dapat nitong malaman tungkol sa larangan na iyon kaya naging eksperto ito. Si Resha ay halatang walang kaalam-alam sa ganoong aktuwasyon. Pupusta siyang siya pa lang ang nakagalaw dito.

Nang malasahan niya ang mga labi at balat nito kagabi ay napagtanto niya agad na hindi ito si Jessica. May kakaibang init at amoy ang babae.

Nakakahalina...

Nakakaakit...

Kakaibang damdamin ang pinupukaw nito sa kanya!

Mas lalong sumidhi ang pagnananais niyang makuha ito kagabi kung hindi lang ito umiyak. Napahiya siya sa sarili. Kailanman ay hindi siya namilit ng sex sa kahit na sinomang babae. Women submit themselves to him wantonly.

Nagalit pa siya rito dahil isinuot nito ang paborito niyang damit ni Jessica na itinago niya sa kanyang wardrobe. Siya ang bumili ng damit na iyon at espesyal ang damit na iyon sa kanya kaya pinakatago-tago niya.

"David..."

Nanginig ang kanyang mga kalamnan nang marinig ang pagsambit ni Resha sa kanyang pangalan. Nakapikit ito habang kinakagat ang mga labi. Lalo siyang nag-init.

Bloody hell, this woman is turning me on so hard. Something's wrong with me...

Bumaba ang halik niya sa leeg nito pababa sa collar bone. Naramdaman niyang napakislot ito pagkatapos ay umungol na parang pusa. Nakikita niyang pinipigilan nito ang sariling umungol na tila ba nahihiya pero kumuwala pa rin sa bibig nito. Parang may kung anong mainit na kamay ang humaplos sa puso niya.

She's still naïve and innocent. My innocent wife...

Naging banayad ang ginawa niyang paghalik. He wanted to take her fast but he's afraid she might not bear his fullness. She needs to be treated gentle because she's still fragile.

Tatanggalin na sana niya ang shorts nito nang biglang may kumatok ng malakas sa pinto. Napabalikwas ito ng bangon at itinulak siya. Dismuladong napatayo na rin siya at umalis sa pagkakadagan dito. Agad nitong inayos ang sarili saka nagbihis.

"Fuck, who could that be?" nabubuwesit na sabi niya. Naputol ang kaligayahan niya!

"B-buksan mo na lang..." natatarantang sabi nito saka nagyuko ng ulo. Mukhang iniiwasang mapatingin sa kanya.

Inis na lumapit siya sa may pintuan nang makitang maayos nang nakabihis si Resha saka iyon binuksan. Bumulaga sa kaniya ang mangiyak-ngiyak na si Abby. Parang tinakasan ng dugo ang mukha nito.

"Dave, si Dan-dan, dumudugo ang ilong!" takot na takot na sabi ng pinsan. Kumalabog ng malakas ang kanyang dibdib dahil sa narinig.

Mabilis silang nakalabas ng kuwarto ni Resha saka tinakbo ang kinaroroonan ni Dan-dan. Naabutan nila ito sa may patio habang karga-karga ng kanyang Mama na umiiyak na rin. May itinatakip ang Mama niya sa ilong nito na punong-puno na ng dugo.

"Diyos ko po, anak ko!" malakas na iyak ni Resha saka nilapitan si Dan-dan.

Siya naman ay tila hindi alam ang gagawin habang nakatingin sa kanyang anak na patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo.

"W-what happened?" nahintakutang tanong niya sa ina.

"I don't know. He was just playing and then suddenly, me and Abby saw him nosebleeding!" hindi magkamayaw na paliwanag ng kanyang ina.

"Dalhin natin siya sa ospital, David!" sigaw sa kanya nang umiiyak na si Resha.

Mabilis niyang kinuha rito si Dan-dan saka sabay-sabay silang bumaba patungo sa kanyang kotse.

------------------------------------------------

"I don't want to give you false reassurance but your son's condition won't get better unless you seek an immediate chemotherapy. Giving him blood transfusion is just an immediate care. Two to three days from now, his blood will still go down. That's the nature of his cancer."

Halos sumabog ang mga tenga ni Resha dahil sa sinabing iyon ng doctor. Isinugod nila agad sa ospital si Dan-dan matapos dumugo ng ilong nito. Agad na sinalinan ito ng dugo nang malamang bumababa na naman ang mga cells ng dugo nito.

"K-kapag po ba nag-undergo ng chemotherapy ang anak ko,Doctora, magiging maayos na po ba ang kalagayan niya?" garagal ang boses na tanong niya sa manggagamot. Nanakit na kasi ang lalamunan niya sa kakaiyak kanina pa. Mabuti na lang at hindi siya iniwan ni David.

"To tell you the truth, chemotherapy is not a 100% guarantee. The survival rate is 50/50. Your son's condition will either progress or not, but that's the only measure we can take since cancer doesn't have a cure yet. It's still your choice," patuloy nito.

Nagpaligsahan sa pagtulo ang kanyang mga luha. Naninikip na ang dibdib niya at nahihirapan na siyang huminga. Kung ganoon ay wala talagang kasiguraduhan na mabubuhay ang anak nila. Bigla siyang napakapit kay David na nasa tabi lang niya at tahimik na nakikinig. Tila dito siya kumukuha ng lakas dahil nanginginig na kanyang mga tuhod.

"I'll go now, Mr. and Mrs. De Villa. I'll just take rounds to my other patients," paalam ng manggagamot sa kanila.

"Okay, thank you so much,Doctora," sagot ni David dito.

Nang makaalis ang manggagamot sa kanilang harapan ay nasapo niya ang kanyang bibig upang huwag kumuwala ang malakas na hikbi. Hilam na ng luha ang kanyang mukha. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin, ikamamatay niya kapag may nangyaring masama kay Dan-dan.

Naramdaman niyang hinila siya ni David papalapit dito. Sumubsob ang mukha niya sa mga bisig nito. Lalo siyang napahagulhol at pinakawalan ang masasaganag luha habang niyayakap nito. Hindi ito nagsasalita pero ramdam niyang nagdaramdam din ito dahil sa kalagayan ni Dan-dan. Hindi niya inaasahang ito ang magiging sandalan niya sa mapait na sandaling iyon ng buhay niya.

Palagay niya'y kahit matindi ang galit nito sa kanya ay mas matindi naman ang pagmamahal nito sa anak nila. Pinagtitiisan siya nitong pakisamahan para lang sa anak nila. Ganoon ka-importante si Dan-dan dito. Hindi na siya mag-iinarte pa at hahayaan na itong magdesisyon sa pagpapagamot sa anak nila.

Napagtanto niyang napaka-makasarili niya. Dahil inuna niyang makipag-away kay David ay hindi niya inisip na mas dapat niyang inatupag ang kalusugan ni Dan-dan. Ang bata ang dahilan nang pagsasama nila kaya dapat ito ang maging sentro ng desisyon nila.

SHOTGUN MARRIAGE  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon