CHAPTER 43

90.2K 1.7K 41
                                    

Hindi nagustuhan ni Resha ang inasal ni David sa harapan ni Danilo. Sisitahin na sana niya ito kanina nang lantaran nitong binastos ang kawawang si Danilo sa harapan niya ngunit nagpigil siya.

At ngayon naman ay sumabay pa ito sa kanilang magpiknik. Sinadya nga niyang ayain si Danilo na kumain sa labas upang makaiwas kay David, pero hayon ito at pilit isinisiksik ang sarili sa kanila. Hindi na niya alam ang gagawin dito!

Nasa lilim sila ng malaking puno ng mangga at nakaupo sa inilatag nilang mat kanina at kumakain.
Napaka-awkward ng agahan nilang tatlo. Hindi sila makapagbukas ng usapan ni Danilo dahil nandoon si David.

"Why are you eating fruits early in the morning? You should eat meals," sita ni David sa kanya habang kumakagat siya ng saging na saba. Iyon lang kasi ang kinakain niya kanina pa. Iniiwasan niyang kumain ng mabigat sa tiyan sa umaga dahil isinusuka lang niya iyon. Sa tanghalian na siya kumakain ng kanin.

"Hindi kumakain ng heavy meal si Resha sa agahan," pagbibigay alam ni Danilo.

"That's bullshit! That's why she's becoming anemic because you didn't feed her well!" maangas na sabi ni David.

Nakita niyang natigilan si Danilo at hindi na nagkomento. Si David naman ay panay lagay ng kanin sa plato niya.
Gusto niyang magpaliwanag kay Danilo ngunit ayaw naman niyang ipagtapat na asawa niya si David. Para saan pa? Maghihiwalay din naman sila.

At isa pa ang magaling niyang asawa! Bakit bigla itong nagka-concern sa kanya? Anong nakain nito? Nakakapanibago ang ugali nito!

Nasa ganoon silang posisyon nang may marinig silang mga yabag ng papalapit na kabayo.

"Danny!" anang isang boses ng babae.

Agad silang napalingon dito. Isang magandang babae ang nakita niyang papalapit sa kanila. May hawig ito kay Danilo. Naka-short pants ito at plaid polo. May suot din itong boots at sumbrero sa ulo na katulad ng sa mga cowgirl. Bumaba ito sa kabayo at nagmamadaling lumapit sa kanila.

Si Danilo naman ay tumayo at sinalubong ang babae saka ipinakilala sa kanila.

"Resha, Mr. De Villa, si Melanie po, kapatid ko," pakilala ni Danilo sa kanila. Binalingan naman nito ang kapatid. "Mel, si Resha, kaibigan ng asawa ni Condrado," pakilala nito sa kanya saka tiningnan si David, "Si Mr. David de Villa naman, ang bagong business partner ni Condrado."

Nakita niyang namilog ang mga mata ni Melanie kay David. "Oh my Gosh, kayo po si Mr. David de Villa ng de Villa Brewery Corporation?" manghang sabi ng babae.

Tumango si David.

Excited na nilapitan ito ni Melanie. "Sir, nabasa ko po lahat ng articles at interview ninyo, fan n'yo po ako! Idol na idol ko po kayo kung paano ninyo pinapalakad ang inyong kompanya!" tuwang-tuwang sabi ng babae.

"I'm glad you've been reading my articles," matipid na sagot ni David dito, tila hindi apektado sa papuri ng babae. Kunsabagay, ilang milyong beses na kaya itong nakarinig ng papuri sa tanang buhay nito?

Tumaas ang kilay niya nang tanggalin ni Melanie ang sumbrero nito at hinagod ng kamay ang mahaba at alon-alon na buhok.

Sa ganoong akto ay lumiyad ang dibdib nito at lumitaw ang cleavage sa harapan ng asawa niya. Nakabukas kasi ang unang tatlong butones ng suot nitong plaid. Medyo malulusog pa naman ang dibdib ng babae. Mayamaya ay panay si David lang ang kinakausap nito at tila ba hindi sila kasama ni Danilo doon.

Alam niya, unang tingin pa lang, nagpapapansin ito kay David. Si David naman ay tila lalong pumalo ang confidence dahil sa naririnig na papuri sa babae. Biglang sumama ang templa niya at tumayo saka niyaya si Danilo na maglakad-lakad at iwan ang mga ito. Agad naman siyang pinaunlakan ng lalaki at walang salitang iniwan sina David at Melanie.

Naglakad sila papuntang manggahan.
Tumingala siya nang makakita ng punong hitik sa mga bunga. Nang makakita ng isang kumpol ng hilaw na mga mangga ay agad niyang itinuro iyon at binalingan si Danilo.

"Danny, pasensya na pero puwede mo bang pitasin ang mga 'yon? Naglalaway kasi ako sa manggang hilaw," pakiusap niya sa lalaki.

Ngumiti ito saka tumango. "Sige walang problema, basta ikaw,Resha. Pero hindi ko mapipitas iyan dahil malayo, aakyatin ko na lang," anito.

"Sigurado ka? Baka mahulog ka?"

Ngumiti uli ito. "Ako pa. Bata pa lang ay sinanay na akong umakyat ng puno."

Napangiti na rin siya. Napakabait talaga nito.

"I'll do it."

Sabay pa silang napalingon nang magsalita si David sa kanilang likuran. Kasabay nito si Melanie. Kaialan pa nakasunod ang mga ito sa kanila?

"Ay, hindi na po, Mr. De Villa. Ako na lang po ang aakyat, medyo matarik po ang puno," pigil ni Danilo dito.

"I said I'll do it," matigas na sabi ni David at hinubad ang suot na sapatos. Napamaang siya. Nagpapakamatay ba ito? Marunong ba itong umakyat ng puno?

"Huwag na. Hayaan mo na si Danilo na umakyat. Mas sanay siya," saway niya kay David. Ngunit hindi ito nakinig at sinimulan nang umakyat ng puno.

"David, bumaba ka nga r'yan! Hindi mo kakayanin 'yan!" muli niyang saway dito.

Ngunit hindi uli ito nakinig. Kinakabahang tiningnan niya ito habang nakalambitin sa sanga. Halatang hindi ito sanay sa ginagawa dahil ilang beses itong nadulas bago nakasampa ng tuluyan.

"David, ang sabi ko bumaba ka na! Ayoko na ng mangga! Bumaba ka na!" nag-aalala nang sabi niya rito kahit nabubuwesit sa katigasan ng ulo nito.

Ngunit patuloy pa rin ito sa ginagawa. Si Danilo naman ay hindi na magkamayaw kung ano ang gagawin. "Mr. De Villa, bumaba na po kayo. Ako na lang po ang aakyat d'yan!"

"Don't order me around! I can do this!" mayabang na sabi ni David habang nakatayo sa sanga. Nang umingit ang sanga at tumunog ay lalo siyang kinabahan. Malaking tao si David, hindi ito kakayanin ng sanga kapag nagpatuloy ito sa ginagawa!

"Utang na loob, David, bumaba ka na r'yan! Ayoko na ng mangga!" sigaw niya.

Umismid ito. "This is not for you, this is for Melanie!" yamot na sabi nito.

Natigilan siya at nilingon si Melanie. Nakangiting tiningala nito si David.
Nanlumo siya. Ngunit magkaganoon man, kung kanino man gusto nitong ibigay ang mangga, delekado pa rin ang ginagawa nito.

"D-david, sa iba ka na lang maghanap ng mangga. Huwag na diyan, may ibang mga puno pa," natatakot nang sabi niya lalo pa't nag-uumpisa nang mag-crack ang sanga.

At hindi nga nagkamali ang hinala niya, unti-unting nabali ang sanga at bumagsak iyon sa lupa kasabay ni David. Muntik na siyang himatayin sa takot.

SHOTGUN MARRIAGE  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon