CHAPTER 2

112K 2.3K 60
                                    

"Amanda Sebastian Scott is coming to our country?" hindi makapaniwalang tanong ni Resha sa kaibigang si Ian

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Amanda Sebastian Scott is coming to our country?" hindi makapaniwalang tanong ni Resha sa kaibigang si Ian.

Isang TV host ang kaibigan niya at nabanggit nitong dadalaw sa Pinas ang idolo niyang chef na si Amanda Sebastian Scott.
May koleksyon siya ng lahat ng mga isinulat nitong libro at gustong-gusto niya ang mga recipe nito lalo na iyong mga native Filipino delicacies.

Sikat na sikat ang ginang sa buong mundo sa larangan ng pagluluto. May sarili pa itong segment sa isang morning show sa Amerika dati, ang Breakfast with Amanda.
Sa totoo lang ay malaki ang impluwensya ng Filipinang chef sa buhay niya at career.

High School siya noong una niyang mabasa ang recipe book nito sa carenderyang pinagtatrabahuan ng kanyang Mama. Hindi pa ito masyadong sikat noon. Inaamin niyang ilan sa mga luto niya sa restaurant niyang Conchita ay base sa recipe nito at sa recipe ng nanay niyang si Conchita.

"Yes, it's confirmed. She will come to the Philippines to launch her new book and guess what? She will be our major guest next week for 3 episodes! I will be having an interview with her in the studio. You can come to the studio if you want," masiglang pahayag ng kaibigan niya.


Napatalon siya at napayakap dito. Walang mapaglagyan ang katuwaan sa puso niya. Natawa naman ang iba niyang mga kaibigang sina Guia, Lorraine, Sophia at Sidney na kasama nilang nag-aayos sa bagong bahay nila.

Sino nga bang mag-aakalang magiging matalik na mga kaibigan niya ang mga ito? Nag-umpisa sila sa pag-aaway, hanggang napatawag ng Directress at na-suspende pa!

Iba't iba ang mga personalidad nilang anim pero nagkasundo at nagkalapit ang mga loob nila nang may dumating na pangyayari sa kanila noong High School na hindi nila inaasahang maglalapit sa mga loob nilang anim.

Kalilipat lang nila ng mama niya at ng anak niyang si Dan-dan sa bagong townhouse na nabili niya. Nasa isang ekslusibong subdivision iyon kung saan din nakatira si Sidney.

Oo, may pera na siya at nakapagpatayo na ng sariling restaurant. Natupad ang pangarap niya, may bunos pa siyang anak.

Hindi madali ang pinagdaanan niya bago niya nakamit ang lahat ng tinatamasa niya ngayon. Tumibay ang loob niya magmula nang makilala niya ang mga kaibigan. Ang mga ito ang nagpupush sa kanyang huwag panghinaan ng loob at abutin ang mga pangarap niya.

Fourth year college siya nang dumating ang pinakamalaking dagok sa buhay niya; pinagsamantalahan siya ng tanging lalaking minahal niya. Masakit man maalala ang nakaraan ay nagpapasalamat siya na sa napakapait na pangyayaring iyon sa buhay niya ay nabuo si Dan-dan.

Pilit siyang kinukumbinsi ng mga kaibigan niya at ng mama niya noon na magdemanda ngunit hindi niya ginawa. Aside sa malaking tao ang babangain niya, at wala silang sapat na pondo ng mama niya noon para sa mga proseso ng kaso, hindi rin niya gustong malaman ng lalaki na nagbubuntis siya. Baka iyon pa ang dahilan para kunin nito sa kanya ang bata.

SHOTGUN MARRIAGE  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon