David can't take his eyes off from a young boy sitting in the counter. Mukhang tuwang-tuwa ito sa pagpipipindot ng cash register habang inaalalayan ng cashier. Aliw na aliw naman ang mga customers na nagbabayad habang pinapanood ang kabibohan nito.He was so adorable. Medyo matambok ang pisngi nito pero hindi ito mataba. Malusog itong tingnan. Ewan ba niya at hindi niya maalis ang mga mata habang pinagmamasdan ang bata. Hindi naman siya mahilig sa mga bata.
The boy reminds him of himself when he was younger. Tantya niya ay nasa edad pito o walo ito. While waiting for his and his cousin Abby's order, he decided to come closer to the child. Eksaktong wala ng mga customers sa counter.
He leaned in the counter. "Hi there, young dude," bati niya rito.
Nakangiti namang nakamasid lang sa kanila ang babaeng cashier sa tabi nito. Biglang may kumudlit sa puso niya nang gumanti ng ngiti ang bata. He was taken a back.
That was not the first time he talked to a young boy—he had nephews from his cousins—but he couldn't explain the sudden gush of emotions when he saw the boy's smile."Hi rin po, Mister Customer," nakangiting sagot nito.
Naghanap siya ng puwede nilang pag-usapan. Nahagip ng tingin niya ang mga suman sa may basket malapit dito.
"How much are those?" turo niya sa mga suman.
Tumingin ito sa itinuro niya saka umiling-iling na ibinalik ang tingin sa kanya.
"Those sumans are not for sale po," magalang na sagot nito.
"But I like those sumans. I want to buy them," giit niya.
Nakakatuwang nagkamot ito ng ulo. "Those are not for sale nga po. Kung gusto ninyo, bigyan ko na lang po kayo. Luto po kasi 'yan ng nanay ko para sa akin."
Gusto niyang matawa sa reaksyon nito. Mukhang nakukulitan ito sa kanya. He really reminds him of himself.
"What's your name?" curious na tanong niya.
Napatda ito. "B-bakit po?"
"I just wanna know your name. What's your name?" ulit niya.
Napalunok ito saka nagpalinga-linga sa paligid pagkatapos ay tumingin uli sa kanya. "Isusumbong n'yo ba ako sa Manager? Sabi ko naman sa inyo, bibigyan ko na lang kayo ng suman. Ang kulit n'yo po," eksasperado nang sabi nito. Mukhang maiiyak na ito ano mang oras pero matigas pa rin ang boses.
Umalog ang mga balikat niya sa pagtawa. God, the boy reminds him of his reaction when he was caught by his Mom eating a bar of chocolate right after his tooth extraction.
"No, I will not call the attention of your Manager. Now, come on, tell me your name."
"Dan-dan po. Daniel Leonard Caballo po. Eight years old. Grade two, Section Jupiter," mabilis na sagot nito.
BINABASA MO ANG
SHOTGUN MARRIAGE (COMPLETED)
Fiksi UmumIsang shotgun marriage ang nangyaring kasal ni Resha. At ang masaklap, sa ex-boyfriend niya pang nanloko sa kanya 9 years ago! Paano niya pakikisamahan ito sa iisang bahay kung araw-araw ay inaakusahan siya nitong baliw na baliw pa rin dito at ang s...