Magkahawak ang kamay nina Resha at David habang dinadalaw ang puntod ng kanilang anak na si Dan-dan. Karga-karga ni David ang isang taong gulang na anak nilang si Dominique.
Siya naman ay inilapag sa lapida ni Dan-dan ang dalang bulaklak. Masayang hinaplos niya ang pangalan ng kanyang anak sa lapida.
"Say "hi" to Kuya Dan-dan, baby," udyok ni David kay Dominique.
Mahal na mahal ni David si Dominique at ayaw nitong pinapahiram sa iba ang anak nila. Parang pinagbiyak na bunga ang hitsura ng mag-ama."Yay!" bigkas naman ng bata.
Sabay silang natawa ni David sa anak. Tumayo siya at ginawaran ng halik ang kanyang mag-ama. Walang pagsidlan ng kaligayahan ang puso niya.
Sa isang taon nilang pagsasama ni David ay walang mintis ito sa pagpapakita sa kanya ng pagmamahal. Tinupad nito ang mga pangako sa kanya na maging tapat at mapagmahal na asawa. Kailanman ay hindi na ito tumingin pa sa ibang babae at pinagkatiwalaan na siya ng lubusan.
Naging masuyo na rin ito sa kanya kahit medyo maangas pa rin ito sa ibang tao. Matigas at matapang ito sa negosyo pero pagdating sa kanya'y masunurin ito at mahinahon. Nakakantyawan na nga ito ng mga kaibigan nito ngunit ngumingiti lang ito. Lalong nadagdagan ang pagmamahal nila sa isa't isa.
Siya naman ay limang buwan ng buntis. At sa pagkakataong iyon ay lalaki na ang magiging anak nila. Kaya sila nandoon ng araw na iyon sa puntod ni Dan-dan kahit pagod si David sa maghapong meetings nito sa kompanya dahil gusto nilang ibalita iyon sa namayapa nilang anak. Sayang nga lang at hindi na naabutan ni Dan-dan ang kapatid na hinihiling nito.
Napakabuti pa rin ng Panginoon sa kanila ni David. Kinuha man Nito si Dan-dan sa kanila ng maaga, binigyan naman sila nito ng dalawa pang supling.
Tumagal muna sila ng isang oras sa sementeryo bago nagpasiyang magtungo sa bahay ni Sophia. Nagkabalikan na sina Sophia at Condrado at nagkaroon ng isang supling, si Railey. Sa katunayan ay ipinagdiriwang ng mag-asawa ang kapanganakan ng bata kaya sila papunta doon.
Nang makarating sila ni David sa malaking bahay nina Sophia ay bumaba siya sa may front door habang karga si Dominique. Si David naman ay naghanap ng puwesto para maka-parke sa garahe.
Habang nakatayo at hinihintay ang kanyang asawa ay may namataan siyang lalaking papasok din sa bahay nina Sophia. Agad niyang nakilala ito, si Cloud!
Sinalubong niya ito ng ngiti. "Hi, Kuya!" bati niya rito.
Nagtaka siya at mukhang wala sa mood ito pero gumanti naman ng pilit na ngiti sa kanya. Namumula rin ang mukha nito, tila ba nakainom. Hinawakan nito sa ulo si Dominique saka tuloy tuloy na naglakad papasok sa bahay.
Nagtataka siya sa ikinikilos nito. Lasing ba ito? At bakit hindi nito kasama ang kaibigan niyang si Lorraine? Nagpakasal ang mga ito noong isang taon. Arranged marriage.
Nang makabalik si David ay agad na nagtanong ito bago kinuha si Dominique sa kanya. "Was that Claudio?"
Tumango siya. Nag-uusap na ang mga ito ng maayos ngayon. Humingi na ng dispensa si David sa lalaki sa inasal nito noon sa party na dinaluhan nila sa Amerika. Nagselos lang umano ang asawa niya kay Cloud dahil nag-uusap sila.
"Why does he look drunk? This is his nephew's party, isn't it?" nagtatakang tanong ng asawa niya.
Nagkibit balikat lang siya at umabrisite na rito. Maglalakad na sana sila papasok ng bahay nang biglang marahas na bumukas iyon at lumabas na naman si Claudio. Sa pagkakataong iyon ay mukhang galit na ito at tila ba nasasaktan.
Kasunod nitong lumabas ang kaibigan niyang si Lorraine. Hindi sila napansin nito at tuloy tuloy na sinundan si Cloud. Nang maabutan nito ang asawa ay kaagad nitong pinigilan sa braso.
BINABASA MO ANG
SHOTGUN MARRIAGE (COMPLETED)
General FictionIsang shotgun marriage ang nangyaring kasal ni Resha. At ang masaklap, sa ex-boyfriend niya pang nanloko sa kanya 9 years ago! Paano niya pakikisamahan ito sa iisang bahay kung araw-araw ay inaakusahan siya nitong baliw na baliw pa rin dito at ang s...