CHAPTER 12

86.7K 2.1K 18
                                    

Parang may humaplos sa puso ni Resha habang pinagmamasdan si Dan-dan na nilalaro ni David. Nakalabas na si Dan-dan ng ICU at nasa executive suite na na kinuha ni David. Naconfined ito ng isang araw sa ICU pagkatapos nitong salinan ng dugo. Mabilis namang umayos ang kalusugan nito at nilipat na ng doctor sa ward.

Confirmed na na may leukemia ito ayon narin sa resulta ng bone marrow biopsy nito. Halos isang araw niyang iniyakan ang sakit ng anak. Si David naman ay hindi umiimik pero ramdam niyang nalulungkot rin ito sa sinapit ng anak. Ipinakilala na rin niya ito sa mama niya at kay Dan-dan.

Noong una ay nagulat ang mama niya ngunit tinanggap naman nito agad ang sitwasyon. Kinausap naman ito ng mama niya ng sarilinan dahil alam niyang hindi nito gusto ang ginawa ng lalaki sa kaniya noon kahit pa malapit na ang mga ito ngayon.

Si Dan-dan naman ay tuwang-tuwa ng malaman nitong ama nito si David. Nararamdaman na daw iyon ng bata noong una nitong makita ang lalaki. Lukso ng dugo kumbaga.

Ang mga kaibigan niya ay alalang-alala sa sitwasyon ng anak niya. Hindi na nag protesta ang mga ito sa presensiya ni David dahil na rin sa kundisyon ni Dan-dan. Parang tinanggap na lang ng mga ito ang katotohanang kailangan ngayon ng anak niya ang ama nito.

"Tay, pag-uwi natin sa bahay, doon ka na matulog sa amin, ha?"

Nagulat siya sa sinabi ng anak. Nagkatinginan sila ng mama niya, pagkatapos ay naglipat ang tingin niya kay David. Nakatingin din lang ito sa kanya.Wariy humihingi ng permiso.

Wala siyang magawa kundi ay tumango kahit labag sa loob niya. Pansamantala lang ang pagpayag niya dahil hindi pa maganda ang kondisyon ng bata. Anong mangyayari kapag nagkasama sila nito sa iisang bubong? Baka maulit iyong nangyaring paghalik nito sa kanya.

"'Tay?" untag dito ni Dan-dan.

"S-sure. I'm g-going to sleep beside you,Baby," anito.

"Yehey! Narinig mo 'yon,'Nay?" masiglang tumingin sa kanya ang anak niya. "Doon matutulog si Tatay sa atin!" masayang tumalon-talon ito sa kama. Agad naman itong pinigilan ni David.

"Hey, young dude, easy. You're still not feeling well. Baka mabinat ka," nag-aalalang sabi nito sa bata. Nagulat siya sa lumanay ng boses nito habang kinakausap ang anak. Mahusay naman pala itong ama. Ano kaya kapag asawa? Winasiwas niya ang tanong sa utak. Wala na siyang pakialam doon.

Napagdesisyunan nila ng lalaki na hindi sasabihin kay Dan-dan ang sakit nito. He's still young to be heartbroken.

"Magaling na po ako,'Tay! Huwag po kayong mag-alala. Nagpagaling po ako agad para makalaro ko po kayo. Matagal ko na pong inasam na magkasama tayo ng ganito!" yumakap ito sa ama nito pagkatapos.

Nagtinginan na lang sila ng mama niya. Napuno na naman ng emosyon ang dibdib niya habang nakikitang masaya si Dan-dan sa piling ng ama nito. Parang sasabog ang dibdib niya.Hindi na niya nakayanan at nag-excuse siyang lumabas habang pinipigilan ang mga luhang bumagsak.

Habang tinatahak ang corridor ng hospital ay hindi na niya napigilang ilabas ang mga namumuong luha. Mabuti na lang at walang mga taong dumadaan at nasa kabilang panig ang nurse station. Malaya sana siyang ipalabas ang damdamin niya nang bigla na lang may pumigil sa kamay niya. Si David. Hindi niya namalayang sinundan pala siya nito.

Iginiya siya nito sa isang bench na naroon at pinaupo. Umupo rin ito sa tabi niya pagkatapos ay isinandal ang ulo sa dingding. Pumikit ito at hinilot ang sintido. Ramdam niyang pagod rin ito. Walang nagsalita sa kanila kahit isa. Tila pareho nilang pinapakiramamdaman ang sarili.

Ano kayang iniisip nito? Pinunasan na niya ang mga luha at tinanggal ang bara sa lalamunan.

"I will stay one night in your house and sleep next to Dan-dan. I need to be with my son and I'm going to do anything just to get that hell-of-a-kind disease out of his system, Resha," seryosong sabi nito. May himig na pagbabanta sa boses nito. Hindi niya alam kung saan ang pagbabantang iyon.

"What are your plans with my son, David?" Gustong gusto niyang malaman kung ano ang plano nito.

"I'm going to bring him to the States. I know some first-rate oncologist there," anito.

"Bakit kailangan mo pa siyang dalhin sa labas ng bansa samantalang may mga magagaling na mga mangagamot naman dito?"

Idinilat nito ang mga mata at umalis sa pagkakasandal sa upuan, itinukod nito ang mga siko sa magkabilang tuhod pagkatapos ay tumingin sa kaniya. "Don't get me wrong,Resha, I just want the best for my son."

"We both want the best for Dan-dan! At anong plano mo sa akin? Hindi mo siya pwedeng dalhin at iwan ako dito. Kailangan ako ng anak ko," mariing sabi niya.

"You can come with us,"

"Ayokong makisama sa isang lalaking walang tiwala sa akin!" mariing sabi niya.

Biglang sumama ang templa ng mukha nito. "If you don't want, fine! Can you handle Dan-dan's treatment financially, Resha? We both know you don't have enough money for the chemo alone; you just bought a new house! I can provide him everything he needs. I want him to live comfortably, Resha. I want him in my care," galit na sabi nito.

Nasaktan at naisulto siya sa mga sinasabi nito. Oo at hindi siya ganoon kayaman katulad nito pero kakayanin niya ang treatment ng anak niya. Kasehodang ibenta niya ang mga ari-arian nila, gagawin niya!

"Okay, sasama ako sa States. Ano na lang ang sasabihin ng asawa at mga anak mo kapag nalaman nilang kasama mo ang babaeng nabuntis mo noon?"

Iritadong binalingan siya nito. "Is your brain functioning properly or what? I'm not married!" iiling-iling na sabi nito.

Aba malay ba niya? Sa yaman at guwapo nito, wala pa itong asawa? Nagtimpi siya. Quotang-quota na ito sa pang-iinsulto sa kanya pero hindi niya papatulan ito.

"Resha! Dave!"

Sabay silang napalingon sa tumawag sa kanila. Si Diego, kasama si Guia. Agad siyang tumayo at sinalubong ang mga ito. Sumunod naman si David.

"How's Dan-dan?" tanong agad ni Guia.

"Medyo maayos na siya. Ang sabi ng Doctor, dapat daw ay mag-undergo ng chemotherapy si Dan-dan," aniya.

"Huwag kang mag-aalala, tutulungan ka namin sa gastos. Pagtutulungan natin ito," sabi naman ni Guia.

"Anong gastos? Si David na ang bahala sa lahat ng gastos," sabat ni Diego saka binalingan ang kapatid, "I thought you're planning to bring Dan-dan in the States?"

Umismid si David. "Resha is full of shit,Kuya, I ouch---" hindi nito naituloy ang nais sabihin dahil bigla itong sinikmuraan ng kapatid.

Napayuko ito sa sakit habang sapo ng dalawang kamay ang tiyan. Napamaang siya sa mga ito.

"Don't talk to a lady like that, you shameless asshole! Baka isipin nila, ganyan tayong lahat sa pamilya natin!" pagalit na sabi ni Diego sa kapatid.

Lihim siyang nagdiwang at iginanti siya ni Diego sa lalaki ngunit agad naman siyang nabaghan dito. Sobrang sakit siguro nang pagkakasuntok ng kapatid dito dahil dating FBI agent si Diego bago naging abogado.

SHOTGUN MARRIAGE  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon