"We'll do series of tests before Dan-dan undergoes chemotherapy," anang doctor na tumitingin kay Dan-dan sa St. Jude Cancer Institute. Kasalukuyan nitong inilalagay ang stethoscope sa dibdib ng kanyang anak at pinapakinggan ang puso nito.
Napagtanto ni Resha na kaya pala gustong-gusto ni David na ipagamot sa ospital na iyon si Dan-dan dahil nandoon ang kaibigan nitong si Dr. Carl Peterson, isang half-Filipino at half-American na Pediatric Oncologist. Hindi dahil wala itong tiwala sa manggagamot sa Pilipinas. Mas kampante lang ang loob nito sa kaibigan.
"What's the survival rate for this kind of cancer in your institute, Carl?" tanong ni David sa doctor.
Inalis nito ang stethoscope sa tenga at hinarap si David.
"Actually, 98% of patients with Acute Lymphoblastic Leukemia are on their remission after 2 weeks. It depends if the patient doesn't have any underlying disease such as HIV or immunologic diseases," sagot ng doctor.
"My son doesn't have any of those diseases. Does it mean there's a high probability that he'll survive his cancer?" tanong na naman ni David.
"Yes, if he's compliant with his chemo sessions. Most of our patients live longer that ten years and were able to go to school after the treatment."
Nakangiting binalingan siya ni David. Gumanti rin siya ng ngiti dito pagkatapos ay kinuha si Dan-dan mula sa examination bed at saka ito niyakap ng mahigpit. Namamasa na naman ang kanyang mga mata.
Walang pagsidlan ang kaligayahan niya dahil sa sinabi ng doctor. Mabubuhay ang anak niya! May pag-asang gumaling ito!
Nakita niyang inakbayan ng manggagamot si David saka lumabas ang mga ito ng klinika. Nagtataka man ay inignora niya ang mga ito at pinugpog ng halik si Dan-dan.
"Aray, 'Nay! Bakit ang saya-saya ninyo? Ano po ba kasing sakit ko? Ano po ba ang cancer?" tanong ng anak niya.
"Wala iyon,Anak. Parang lagnat lang. Mawawala rin iyan!" paniniyak niya sa anak. Nababaghan na kasi siya sa hitsura nito. Putlang-putla na ito at medyo nangangayayat. Ang dating masiglang pangangatawan nito ay lagi nang napapagod. Wala na halos itong ginagawa buong araw kundi ay matulog.
"Talaga,'Nay? Gagaling po ako? Salamat sa Diyos! Gusto ko na po kasing maglaro kasama si Tatay!"
Alanganing ngiti lang ang iginanti niya sa anak saka muli itong niyakap ng mahigpit. Napalapit na ng husto si David sa bata. Ano na lang nag mangyayari kapag nagdesisyon na silang maghiwalay?
----------------
Napapangiting pinagmasdan ni Resha sina David at Dan-dan na naglalaro sa parke. Tahimik siyang nakaupo lang sa may bench na naroon at nakatanaw sa mga ito. Matapos magpacheck-up ni Dan-dan ay dinala sila ni David doon ayon na rin sa kagustuhan ng bata.
Kahit halata ang panghihina ng katawan ng anak niya'y kumikislap pa rin ang mga mata nito habang nakikipaglaro sa ama. Ngayon lang niya nakita itong ganoon kasaya. Malaki ang tulong ng presensya ni David sa kondisyon ng anak.
BINABASA MO ANG
SHOTGUN MARRIAGE (COMPLETED)
General FictionIsang shotgun marriage ang nangyaring kasal ni Resha. At ang masaklap, sa ex-boyfriend niya pang nanloko sa kanya 9 years ago! Paano niya pakikisamahan ito sa iisang bahay kung araw-araw ay inaakusahan siya nitong baliw na baliw pa rin dito at ang s...