"Kumusta po ang kalagayan niya, Doktor?" nangingilid ang luhang tanong ni Resha sa doktor na sumuri kay David.
Nasa labas sila ng silid ng lalaki at sinalubong ang doktor na sumuri dito. Hindi nila ito dinala sa ospital dahil napakalayo ng ospital sa bayan na iyon.
Tinawag na lang nila ang Family Doctor ng mansyon na nagkataong nakatira lang sa malapit kaya pinasuri na nila dito si David. Kanina pa siya nagnginginig sa takot sa pwede sinapit ni David sa pagkakabagsak nito.
"Sa inisyal na pagsusuri ko, wala naman akong nakitang fracture sa kanya. Maayos ang kalagayan niya. Maliban sa medyo kalakihang pasa ay wala naman siyang seryosong natamo. Pero dahil wala tayong Xray dito, gusto kong obserbahan ninyo siya sa loob ng dalawampu't apat na oras. Kapag nawala ang sakit sa likod niya, ayos lang siya, otherwise ay tawagan ninyo ako. May nireseta akong mga pain relievers sa kanya," anang manggagamot.
Nakahinga siya ng maluwag. Walang pagsidlan ang takot niya habang nasasaksihan ang pagbagsak ni David sa lupa kanina. Mangiyak-ngiyak siya nang makitang namimilipit ito sa sakit. Mas gusto pa niyang siya na lang ang dumanas ng sakit na iyon kaysa ang asawa niya.
"Kami na po bahala sa kanya, Doktor. Maraming salamat po," narinig niyang sabi ni Danilo sa manggagamot.
Agad namang tinanggap ni Danilo ang reseta at sinamahan ang manggagamot na lumabas na ng bahay. Siya ay kinakabahang pinihit ang pinto ng silid ni David upang pumasok.
Nabigla siya sa nabungarang tagpo. Nakahubad baro ito at nakadapa sa kama habang nilalapatan ng cream ni Melanie ang pasa nito sa may baywang. Ang laki ng ngisi ng lalaki habang ninanamnam ang mga haplos ni Melanie sa katawan nito.
Unti-unting napalitan ng pagkayamot ang pag-aalala niya. Alalang-alala siya rito ngunit nagpapakasarap pala ito sa haplos ng ibang babae! Akmang isasara na sana niya ang pinto nang tawagin siya nito.
"Resha!"
Mukhang nakita pala siya nito. Napilitan siyang luwagan ang pagkakabukas ng pinto at silipin uli ito.
"Ano?" inis na tanong niya.
"Can you get my clothes in the luggage?" utos nito.
"Ako na, David," presenta naman agad ni Melanie nang marinig ang sinabi ni David.
"No, let her take it," nang-aasar pang sabi ni David sa kanya bago binalingan si Melanie, "Hindi ka katulong dito."
Humagikhik naman si Melanie na tila kinikilig sa sinabi ng magaling niyang asawa. "Ikaw naman, ayos lang 'yon!"
Gusto niyang masuka sa lantarang paghaharutan ng dalawa. Hindi na nahiya, sa bahay pa ng kaibigan niya!
Nahuli niya pa ang nakakaasar na ngisi ni David sa kanya. Binigyan lang niya ito ng masamang tingin bago tumalima.Ayaw man niya ay wala siyang nagawa. Utusan lang talaga ang tingin nito sa kanya.
Pumasok siya sa kuwarto nito at hinanap ang luggage nito."Nasaan ang luggage mo?" tanong niya nang hindi iyon mahagilap sa loob ng kwarto. Naaasiwa siyang makita itong nakikipagharutan kay Melanie. Wala na talaga itong pinagabo, babaero pa rin!
"It's inside the second room," nakangisi pa ring sabi nito.
Nagtitimping pumasok siya sa second room. May second room ang mga silid ng mansyon na nagsisilbing lagayan ng mga wardrobe. Pumasok siya doon at hinanap ang luggage nito.
Nang matagpuan iyon ay agad niyang binuksan ang zipper. Ang kaso, bago pa man tuluyang mabuksan iyon ay may bumagsak na brown envelope sa harapan niya. Mukhang nanggaling sa bukas na front pocket ng luggage nito.
BINABASA MO ANG
SHOTGUN MARRIAGE (COMPLETED)
General FictionIsang shotgun marriage ang nangyaring kasal ni Resha. At ang masaklap, sa ex-boyfriend niya pang nanloko sa kanya 9 years ago! Paano niya pakikisamahan ito sa iisang bahay kung araw-araw ay inaakusahan siya nitong baliw na baliw pa rin dito at ang s...