Masaya ang lahat. Araw na ng kasal ni Guia. Napakaganda ni Guia habang bumababa ito sa puting sasakyan. She looked fabulous in her elegant halter floor-length wedding gown.
Halos magkasabay lang ang convoy nila kasama ang mga kaibigan niya sa sasakyan nito. Nang makarating sa bungad ng simbahan ay inayos niya agad ang barong tagalog ni Dan-dan. Ring bearer ang anak niya. Ang pogi-pogi nito sa suot nitong barong tagalog na tenernohan ng slacks na itim at leather shoes na itim din.
Nang mag-signal na ang wedding coordinator ay pumuwesto na sila para magmartsa sa aisle. Nag-umpisa na ang wedding music at nagstart na silang mag martsa. Nauna na ang mga kaibigan niyang mga bridesmaids kasama ang mga partners ng mga itong groomsmen. Mag-isa niyang tinahak ang aisle habang pinagmamasdan ang simbahan.
Habang papalapit sa altar ay saglit niyang pinagmasdan ang groom na guwapong-guwapo sa suot na amerikana. Masuwerte ito kay Guia dahil mapagmahal at maalaga ang kaibigan niya.
Napadako ang mga mata niya sa lalaki sa likuran nito. Bigla siyang natigilan, daig pa ang natuklaw ng ahas. Muntik na siyang tumakbo pabalik sa labas nang makitang si David ang best man ng groom! Kinurap pa niya ang mga mata kung hindi ba siya nagkamali.
Hindi nga siya nagkamali nang tuluyan na siyang makalapit sa harapan ng altar, si David nga! Hindi siya namamalikmata lang!
Ngumisi naman ito ng nakakaloko nang makitang siya ang Matron of Honor. Gusto na niyang maglaho, baka isipin na naman nitong inii-stalk niya ito! Lalong papalo ang bilib nito sa sarili.
Kung bakit kasi wala kahit ni isa sa kanila ang nagbasa ng pangalan ng Best Man! Kung nabasa naman niya, anong gagawin niya? Hindi siya pwedeng mag back-out sa pinaka importanteng okasyon sa buhay ng kaibigan niya.
Ang lakas ng kabog ng dibdib niya hanggang sa makarating siya sa upuang nakalaan sa Matron of Honor. Hinanap agad ng mga mata niya ang anak niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang kumakaway ito kay David! Naglipat ang tingin niya sa lalaki, nakangiting nakakaway din ito sa anak niya! Magkakilala ba ang mga ito?
Diyos ko, ano ba itong nangyayari? Mababaliw na yata siya.
Tinapunan niya ng tingin ang mga kaibigan niya sa likurang pew. Mukhang pare-pareho silang lahat ng nararamdaman base sa tinging ipinupukol ng mga ito kay David. Mukhang katulad ni Ian ay nakilala agad ng mga kaibigan niya ang lalaki.
Tiningnan niya si Guia nang igiya na ito ni Diego sa altar, nagulat siya nang makitang nakatingin din ito sa kaniya. Mukhang nagulat din ito sa pagsulpot ni David doon.
Sinenyasan na lang niya itong ayos lang siya. Nakakahiya sa kaibigan niya. Ayaw niyang masira ang kasiyahan nito dahil lang sa kanya.
Sino nga bang mag-aakalang magkapatid si Diego at David? Tumira sa bahay ni Diego si Guia noon dahil sa aksidenteng nangyari sa kaibigan niya dati pero hindi naman nila nakita si David doon.
BINABASA MO ANG
SHOTGUN MARRIAGE (COMPLETED)
General FictionIsang shotgun marriage ang nangyaring kasal ni Resha. At ang masaklap, sa ex-boyfriend niya pang nanloko sa kanya 9 years ago! Paano niya pakikisamahan ito sa iisang bahay kung araw-araw ay inaakusahan siya nitong baliw na baliw pa rin dito at ang s...