CHAPTER 36

78.4K 1.6K 7
                                    

Abot-abot ang dasal ni Resha habang tinatahak ang daanan papuntang ospital kung saan isinugod si Dan-dan. Nasa Intensive Care Unit na naman ito at kritikal.

Nakatanggap siya ng tawag mula kay Alda pagkatapos lumapag ang eroplanong sinasakyan niya sa airport kanina. Muntik na nga siyang himatayin sa ibinalita nitong isinugod si Dan-dan sa ospital dahil sa matinding lagnat at pagkawala ng malay.

Wala siyang ideya kung saang palapag siya pupunta. Napakalawak ng ospital na pinagdalhan kay Dan-dan. Si David ay hindi sumasagot sa tawag niya. Si Alda naman ay nakapatay na ang cellphone. Mababaliw na siya sa pag-aalala sa anak niya!

Nang makakita ng reception area ay agad siyang nagtanong.

"Miss, where's the ICU?"

"It's in the third floor of this building, Madame," sagot naman nito.

Mabilis siyang nagpasalamat at nagpaalam dito. Nang makakita ng elevator ay sumakay siya kaagad doon. Pinagpapawisan siya kahit malamig ang klima ng lugar. Hindi na magkamayaw ang puso niya sa kaba

Nang makalapag sa third floor ang elevator ay agad siyang lumabas at hinanap ang ICU. Nahihilo na siya sa kakalakad at liko para lang mahanap ang silid ni Dan-dan. Mabuti na lang at may nakita siyang nurse na paparating.

Tatanungin niya sana ito nang mahagip ng mga mata niya ang dalawang pamilyar na tao na nagyayakapan sa may di kalayuan sa kanya. Nanigas ang likod niya nang makilala ang mga ito: sina David at Jessica!

Natulos siya sa kinatatayuan.
Tila may humiwa na naman sa puso niya dahil sa nasasaksihan. Ang bigat na dinadala niya sa dibdib ay lalong nadagdagan. Naninikip na ang dibdib niya sa sobrang sakit.

Bakit doon pa? Bakit doon pa nagyakapan ang mga ito kung saan naghihingalo ang buhay ng anak niya? Bakit ngayon pa kung kailan kailangan na kailangan niya ang mga yakap ni David para sumuporta sa kanya dahil sa kalagayan ng anak nila?

Maaaring katulad niya ay nangangailangan din ng suporta si David. At ang tanging makakapagpagaan ng nararamdaman nito ay si Jessica.

Ano ang gagawin niya?
Paano niya lalapitan ang mga ito? Paano niya pakikitunguhan si David at Jessica na siyang nagdulot ng matinding sakit sa kanyang kalooban?

Nagpasiya siyang magpakatatah at indahin ang sakit. Kung kinakailangang lunukin na muna niya ang pride at tiisin ang sakit sa kalooban para lang malaman ang nangyayari sa anak niya ay gagawin niya.

Mabibigat ang mga hakbang na lumapit siya sa mga ito.
Inalis niya ang nakabara sa kanyang lalamunan at tumikhim.

"D-david..." tawag niya sa lalaki.

Mukhang nagulat ang mga ito at sabay na kumalas ng yakap sa isa't isa. Naisuklay nito ang kamay sa buhok at nag-iwas ng tingin sa kanya. Si Jessica naman ay hindi iniaalis ang pagkakahawak sa baywang ng asawa niya. Ewan niya ba at bigla niyang gustong sugurin ito at hablutin ang buhok.

"D-david, anong nangyari kay Dan-dan? Nasaan siya?" garagal ang boses na tanong niya. Pinipilit niyang magpakahinahon sa kabila nang nasaksihan niya.

Biglang dumilim ang mukha nito.
"Why are you here?!" galit na tanong nito.

Nabigla siya. Bakit ito pa ang may ganang magalit sa kanya? Kung tutuusin ay siya dapat ang magalit dahil sa lantarang panloloko nito!

Napatiim bagang siya.
"Nasaan ang anak ko? Gusto ko siyang makita!" mariing ulit niya.

Nakita niyang tumikwas ang nga labi ni Jessica at humalukipkip sa kanyang harapan.

"The nerve of you! After mong lokohin si David at makipag-date kay Hector, may lakas ka pa ng loob na magpakita sa anak mo?"

Pumantig ang tenga niya sa sinabi nito. Binabaliktad na naman siya! Siya pa ang lumalabas na nanloko samantalang wala siyang ginagawang masama!

Hindi niya pinansin ang babae at binalingan uli si David. "Nasaan ang anak ko,David?!" ulit niya sa mataas na boses.

Napaatras siya nang biglang magtagis ang bagang nito at panlisikan siya ng mga mata. "You don't have a son anymore,Resha. I filed an annulment against you! Go home and fuck Hector like you always do!" bulyaw nito sa kanya.

Hindi makapaniwalang nanlaki ang mga mata niya. Inaasukasahan na naman siya nito at ang mas matindi, inilalayo nito sa kanya si Dan-dan! Dahil sa sinabi nito ay umigting na rin ang galit niya.
Kung ano-anong mga kasinungalingan ang ibinibintang nito para lang mapagtakpan ang kasalanan.

"Naririnig mo ba ang sarili mo? Huwag mo akong baliktarin dahil sa ating dalawa, ikaw itong lantaran na may ginagawang kalokohan! Hindi ako natatakot sa annulment mo! Ibalik mo sa akin ang anak ko, nasaan na si Dan-dan?" galit nang sabi niya.

"How hypocrite you are!" maanghang na bato sa kanya ni Jessica, "Don't try to deny that you've got an affair with Hector, we have evidences!"

Nabuwesit siya dahil mukhang pinagkakaisahan siya ng dalawa.
Uminit ang ulo niya sa pangingialam nito. "Huwag mong ipahid sa akin ang kasalanan mo,Jessica! Ikaw ang nagkaroon ng affair kay Hector, hindi ako!"

Nanlaki ang mga mata nito. Nagulat siya nang bigla na lang siyang lapitan nito at sampalin ng malakas sa mukha. Mabilis na nakahuma siya at hinila ang buhok nito. Hindi pa siya nakontento at inihiga ito sa sahig at pinatungan saka walang tigil na hinila ang buhok nito. Sigaw ito ng sigaw.

"You bitch, get off me!" hiyaw nito habang sinusubukang tanggalin ang mga kamay niya sa buhok nito. Halos matanggal na ang anit nito sa lakas ng pagkakahila niya sa buhok nito.

"Resha! Stop it! Don't make a scene here!" pagalit na sabi sa kanya ni David at pinigilan ang mga braso niya.

Iwinaksi niya ang mga kamay nitong pumipigil sa kanya at patuloy na sinasabunutan si Jessica. Wala na siyang pakialam sa mga ito. Galit na galit siya! Hindi pa siya nakasabunot ng tao sa tanang buhay niya, ngayon lang! At wala siyang pakialam!

Nabitawan niya ang mga buhok ni Jessica nang biglang ipulupot ni David ang mga braso sa kanya at malakas na kinarga siya upang maalis sa pagkakadagan sa babae. Hindi siya makakilos sa higpit ng pagkakakapit ni David sa kanya. Nag-unahan na sa pagtulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Halatang pinoprotektahan nito si Jessica laban sa kanya. Nanikip na naman ang dibdib niya.

Bakit malupit sa kanya ng lalaking minahal? Wala siyang ibang ginawa kundi mahalin at pagsilbihan ito pero anong iginanti nito? Dinurog nito ang puso niya! Inilalayo pa nito sa kanya ang kanyang anak! Napakahayop nito! Ito at si Jessica!

Dahil sa galit ay pinagkakalmot niya ito sa mukha.

"Napakawalang hiya mo, David! Matapos kong ibigay ang lahat sa'yo, ang puso at katawan ko, ito lang ang igaganti mo sa akin? Hindi kita kailanman niloko, alam kong alam mo na ikaw lang ang lalaking minahal ko! Bakit mo ginagawa sa akin 'to? Anong kasalanan ko sa'yo?" umiiyak na sumbat niya rito.

Nagtataka siya at hindi ito umiilag sa mga suntok at kalmot niya. Bagkus ay tila natamaan ito sa nasabi sa kanya kanina at mariin lang na nakatingin sa kanya. Sari't saring emosyon ang nababanaag niya sa mga mata nito ngunit nanatiling nakatikom ang bibig nito at nakayakap lang sa kanya. Mukhang nahimasmasan ito.

Nang mapagod sa kakabayo rito ay napahagulhol siya sa mga bisig nito. Masamang masama ang loob niya. Ang dami niyang gustong isumbat dito pero naunahan siya ng kanyang mga luha.

"Get away from David, you whore!" narinig niyang sigaw ni Jessica sa kanyang likuran.

Mukhang nakatayo na ito at naayos ang sarili. Itutulak niya sana si David upang harapin na naman sana ang babae nang bigla silang makarinig ng announcement sa paging system ng ospital.

"Code Blue, pediatric oncology ICU!"

Code blue? May pasyenteng nag-aagaw buhay ngayon?

"Shit!"
Narinig niyang mura ni David.

Napatingin siya rito nang makitang tila naalarma ito.

"Bakit?" kinakabahang tanong niya.

"D-dan-dan is the only patient in Pediatric Oncology ICU!"

Tila bigla siyang tinakasan ng hininga.
Nasa bingit ng kamatayan si Dan-dan!

SHOTGUN MARRIAGE  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon