"Resha, sigurado ka bang okay ka lang? I think you need some time to rest. Makakabuti 'yon sa'yo at sa batang dinadala mo," mungkahi ni Sophia sa kanya.
Nasa National Bookstore sila sa isang mall. Naghahanap ito ng isang patok na novel na mukhang out of stock na. Naghihintay sila ngayon sa isang sales lady na naghahanap kung may natitira pa bang ganoong nobela sa stock room ng mga ito.
"Hindi na siguro kailangan, Soph. Nahihiya na ako kay Mama dahil lagi na lang siyang tumatao sa Conchita. Napapagod na rin siguro iyon," sagot niya.
"Are you sure? You can visit my grandfather's hacienda in Davao. That's a very wonderful place. Marerelax ka doon for sure," anito.
"Pag-iisipan ko," sagot niya.
Nang matanaw na nilang papalapit ang sales lady ay agad itong sinalubong ni Sophia. Siya naman ay inabala ang sarili sa pagtingin ng estante ng magazine. Natigilan siya nang makita ang panibagong cover photo ni Jessica sa isa na namang Women's Magazine.
Bigla tuloy siyang na-curios at binasa ang nakasulat.The Amazing Ballerina of the Orient is back in the country! Is this a hint of her marriage with her rumored boyfriend? It has been a talk of the town lately that the Ballerina is going to tie the knot with her long time boyfriend who is a businessman that owns a Brewery Empire!
Brewery empire? Brewery ang business nina David...
Biglang parang may pumiga sa puso niya.
"Magpapakasal na sila..." malungkot na sabi niya sa sarili.
Agad na isinara niya ang magazine at ibinalik sa estante. Halata namang si David ang tinutukoy sa magazine na businessman.
Nilapitan niya si Sophia at nagpaalam saglit na may pupuntahan lang. Agad naman itong pumayag. Ang totoo ay lalabas lang muna siya ng bookstore at lalanghap ng hangin sa may garden ng mall. May garden ang mall na exclusive lang para sa mga kakain sa classy restaurant sa gitna niyon.
May access siya sa garden na iyon dahil kinunan siya dati nina Lorraine at Ian. Actually lahat ng mga kaibigan niya ay may access doon.
Nang makapasok sa garden ay agad siyang nagtungo sa terrace. Tanaw na tanaw niya ang malawak na siyudad. Napapikit siya nang dumampi ang malamig na hangin sa kanyang mukha.
Sana makalimutan ko na si David...
Sana lumigaya siya kung sino man ang napili niyang pakasalan uli..."Resha, is that you?"
Napalingon siya nang biglang may tumawag sa kanya. Nang makilala niya ito ay bigla siyang nagsisi at nagpunta pa siya sa garden na iyon.
Si Jessica. Napaka-glamorosa nito sa suot na gray dress at high heeled sandal. Kumikinang pa ang kutis nito sa kaputian. Napakalaki ng mundo pero lagi silang pinagtatagpo nito.
"Jessica..." malamig na sabi niya rito.
Agad siyang humakbang para umalis at nilagpasan ito, ngunit bigla uli itong nagsalita.
"Hanggang dito ba naman ay sinusundan mo kami ni David?" sarkastikong tanong nito.
Napatingin siya sa paligid. Wala naman doon si David. Kunot-noong humarap siya pabalik dito. "Wala na ba akong karapatang tumuntong sa lugar na ito?"
Umismid ito. "It's just ironic that you chose to come here while me and David are having our date."
Wow. Ang galing magbiro ng tadhana!
"Hindi ba puwedeng nagpapahangin lang ako? Huwag kang mag-alala dahil wala akong balak na agawin si David sa'yo dahil sa'yong-sa'yo na siya."
Tumawa ito ng pagak. "Oh, really? I can see that you're such a big liar, Resha! If you want to set David free, sign the goddamn annulment papers already!" asik nito.
BINABASA MO ANG
SHOTGUN MARRIAGE (COMPLETED)
General FictionIsang shotgun marriage ang nangyaring kasal ni Resha. At ang masaklap, sa ex-boyfriend niya pang nanloko sa kanya 9 years ago! Paano niya pakikisamahan ito sa iisang bahay kung araw-araw ay inaakusahan siya nitong baliw na baliw pa rin dito at ang s...