Four

2.3K 49 0
                                    

Sa loob ng isang linggo ay kahapon lang nakauwi sila Dustin, pero still hindi ko rin to inabutan sa bahay nila His girlfriend is still in coma, while her parents both died.Nailipat  narin ito sa St.Lukes at pati  narin ang labi ng kanyang magulang.  I should pity her for what happened to her parents, pero hindi ko magawa. Galit ako sa kanya for stealing Dustin from me.

Hindi rin lingid sa kaalaman ko na may mga matatabil ang labi na naka-attend ng party ko ang nagkwentuhan kung bakit hindi si Dustin ang last dance ko. I mentally note to myself to filter my future guest sa party ko. Isang linggo ko rin hindi kinausap ang mga friends ko. For the first time may babaeng nakalusot sa akin.
Since High School ako I claimed Dustin is mine, kaya walang naglakas ng loob na makipag-flirt sa kanya. Alam naman nila kung ano ang mangyayare if that happened. Two years kung binantayan si Dustin sa College, dalawang taon pa lang siyang nagtratrabaho sa DMC nakalusot na agad sa akin ang babae na yun.

Wait maybe hindi nakalusot, nakaramdam ako ng lungkot ng marealize na baka prinotektahan ni Dustin ang Elle nayon mula sa akin. Dustin really knew what I am capable to do when someone mess with my property. His my property, kaya galit ako sa mga nakikiapid.

Umuwi na lang ako sa bahay, at tinawagan si Patchie.

"Patch, saan ako nagkulang ng pagbabantay!", naiinis na tanong ko rito.

"Hindi ko alam, feeling ko nga nasobrahan kana kasi nakalusot na eh.", nakangising sagot nito. She's not helping me.

Nakakainis na talaga, nagmovie marathon na lang kaming dalawa to divert my attention. Nasa second movie na kame when mom told me to prepare, pupunta kame sa wake ng parents ni Elle. Haler hindi ko naman sila kilala.

I'm on my bitch mode, wala akong choice at the same time baka makita ko din dun si Dustin. Wala naman ako halos kilala rito, maliban na lang kay Tita Marie and Tito Dyco at sa brat na si Eclaire. Nung birthday ko di siya umuwi pero sa lamay ng parents nung Elle nayun nandito siya.

Kasama nito sila Keij, pero wala si Dustin. Wala akong choice kundi lapitan ang mga ito.

"Where's Dustin?",tanong ko agad rito ng makalapit ako. The usual Eclaire, tinaasan lang ako ng kilay.

"Nasa St.Lukes, binabantayan pa si Elle.",walang ganang sagot ni Mike sa akin.
"What's with Elle ba, bakit kailangan niya pang bantayan?", I knew I'm being unreasonable but I'm pissed. Simula nung birthday ko pa wala sa akin ang atensyon ni Dustin. And I don't like it.

"Your being brat again, Tasya!", anang Eclaire, the nerve of this woman. She's pissing me off. "Elle is his girlfriend, at the same time she needs him.", anito at umiling iling na nilayasan ako.

Pero bago pa to tuluyan lumabas ng chapel ay muli akong binalikan.

"Spare Elle from your bratness, ako ang makakaharap mo.", anito, as if I care with her threat. I'm Anastazia Lucia Sy and no one mess with me. Lalo na pagdating kay Dustin.

The Light Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon