Chapter 13

1.8K 80 11
                                    

"Elmo.." Tumigil si Elmo sa paglalakad nang marinig nyang may tumawag sakanya. Pauwi na sya galing sa last class nila at papunta na sya sa parking lot.

Dalawang araw na kasi ang nakalipas nang mag usap sila ni Jairus at talagang tutok na tutok sya sa pag aaral. Mabuti nalang ay may magandang balitang sinabi si Attorney Racho sakanila.

Flashback :

"Law Department, Im sorry to say pero, your finals is not next week. Nagkamali ako ng announce. Ang magaganap pala next week ay final gathering ng buong Adilet Law Students. It's my fault." Sabi ni Attorney Racho kaya nagtilian at nagsigawan ang lahat.

"E Mam? Kelan po ang finals?" Tanong ni Julie.

"Sa ngayon, wala pang ibinababang announcement, Attorney San Jose. Pero tingin ko ay malayo layo pa."

"YESS!" Sigawan nanaman ng lahat.

Julie's POV : Nakakagulat. Sign na po ba to?

- End Flashback -

"Maqui." Sabi ni Elmo kay Maqui.

"Moe. We need to talk." Seryosong sabi ni Maqui.

Agad namang sumunod si Elmo . Huminto sila sa tapat ng kotse ni Elmo kaya pumasok sila doon.

"Ano bang pag uusapan natin?" Tanong agad ni Elmo.

"Moe. Anong nangyayari? Bakit kayo nagkakaganyan ni Julie?" Pretending na hindi nya alam ang nangyayari.

"Maqui. Hindi muna kami pwede mag usap ni Julie."

"At bakit?"

"Dahil hindi ko pa kaya." Sabi ni Elmo.
"O dahil mahal mo na sya?" Bwelta ni Maqui na syang nagpagulat kay Elmo.

"A..ano bang sinasabi mo?" Maang na tanong ni Elmo.

Natawa naman si Maqui. "Hindi ka makakalusot saakin, Magaloser. Umayos ka. Mahal mo na ba ang bestfriend ko?" Kompronta nito.

Hindi naman mapakali si Elmo. "H..hindi! Ay oo. Tama, oo. Magkaibigan kami. Kaya mahal ko sya."

"Ano kayo? Nasa showbiz ha? Lumubay nga kayo!" Singhal ni Maqui at hinampas pa si Elmo sa braso.

"Aray ko. Ano ba, Maq." Reklamo ni Elmo.

"Magalona. Umayos ka nga. Para kang tanga. Hindi na tayo teenagers para magmaang maangan ka!"

"Wala talaga, Maq."

"Balak pa naman sana kitang tulungan. Pero sige. Wag nalang tutal in-denial ka diba."

"Hindi pa nga pwede, Frencheska. Bakit ba ang kulit mo?" Inis na sabi ni Elmo. Ginugulo nanaman kasi nito ang isip nya. Ayos na nga eh. Sinusubukan na nya.

"At bakit? Bahala ka, Elmo. Alam mo, iayos mo yang pag iisip mo. Baka sakaling malutas yang problema mo. Pero sige, yan gusto mo diba? I'll give you time to think. If ever na magbago ang isip mo. Tawagan mo ko. Here's my calling card." Sabi ni Maqui at ibinigay kay Elmo ang calling card nya.

Ayaw na rin nya kasing nakikitang malungkot si Julie dahil hindi nito masabi sabi kay Elmo na mahal din nya ang binata.

Tinignan lang ni Elmo si Maqui na bumaba na ng kotse.

Napabuntong hininga nalang sya. Ano ba talaga, Elmo! Pagalit nya sa sarili nya.

Marahan lang nyang tinitignan ang calling card na ibinigay ni Maqui. Should I make a move?

Alam kong bawal, pero pagod na ko umiwas at pigilan ang nararamdaman ko. Pero paano nga kung may malaking barrier sa pagitan namin?

-
Kinabukasan..

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon