Hindi dumiretso ng bahay si Elmo. Imbis ay dumiretso ito sa condo ni Nash at nakipag inuman.
"Pare alam mo yon? Yung kinakalaban ka nya? Asawa mo pa." Sabi ni Elmo at tumungga ng isang boteng alak.
"Elmo, bigyan mo ng chance si Julie patunayan ang worth nya sa Law Industry. Hindi yung puro ikaw lang. Give and take kumbaga." Sabi ni Nash.
"No! Gusto nya maging ako, pre! Gusto nyang maging ako. Diba yun naman ang gusto nya noon pa lang? Ang masakit lang pare, ayaw nya bitawan ang kaso ng batang yon. Wala syang pakeelam kung asawa nya makakabangga nya."
Inagaw ni Nash ang bote kay Elmo at ininom ang laman non. "Bakit hindi nalang ikaw ang mag drop?"
"Hell no! Ayoko! Ano iisipin ng mga tao. Nakapagpatumba ko ng kaso ng malaking sindikato pero asawa ko lang ang katapat ko?"
"Asawa mo lang? Asawa mo, dude. Wag ka ngang selfish. At tsaka pwede ba, wag puro yan ang intindihin mo dahil may isa ka pang problema."
Napakunot ang noo ni Elmo. "Wala akong problema sa pera, marami na ko ipon."
"Gago. Hindi pera ang tinutukoy ko."
"E ano?"
"Si Dana." Napahinto si Elmo pagkarinig ng pangalang yon.
"A..anong tungkol kay Dana?"
Lumunok si Nash. "Nakausap ko si Tita Ada kagabi. Si Dana daw. May brain tumor. Tinaningan na daw."
Napahinto si Elmo at nanlalaki ang mga mata na tumingin kay Nash. "W..what?"
Tumango si Nash. "Yes. May brain tumor sya. Kung di ako nagkakamali baka di na sya umabot ng one year eh."
"T..talaga?" Nanghihinang tanong ni Elmo.
"Dude. Humingi pa nga ng tulong sakin si Tita na kumbinsihin na magpagamot si Dana. E ano naman magagawa ko don.. at tsaka.." Napahinto si Nash.
Pero piniit sya ni Elmo na magsalita. "At tsaka?"
"Hindi naman ikaw ako. Ikaw ang kailangan ni Tita para makumbinsi nya si Dana. Kahit dugtungan nalang ang buhay nya. Nasa Cebu sila ngayon, dude."
"A..ano ? Ako?"
Marahang tumango si Nash. "Pero it isn't necessary. Since may problema pa kayo ni Jules, wag mo na intindihin yon." Mabilis na bawi ni Nash.
"H..hindi. g..gusto ko sya makausap."
"You have to tell Julie." Mabilis na tugon ni Nash.
"No! Hindi pwede. Mapaparanoid nanaman yon, kahit naman magkaaway kami ngayon ayoko naman madagdagan pa ang problema naming mag asawa."
"Pero pag di mo sinabi sakanya yan. That will be considered as cheating, Elmo." Nag aalalang sagot naman ni Nash.
"And what do you want me to do ha? Hayaan ko lang si Dana na mamatay? O hayaan ko si Julie na maparanoid nanaman?"
"Pero.."
"Give me her number." Sabi ni Elmo.
"Elmo.."
"Nash please, ayokong mamatay yung tao nang hindi man lang nagawang lumaban." Sabi ni Elmo.
Alam nyang kasalanan to kay Julie. Pero habambuhay sya uusigin ng kunsensya nya kung hindi nya matutulungan si Dana gayong alam nya sa sarili nya na pwede sya tumulong.
Isasantabi muna nya ang away nila ni Julie.
Ibinaba ni Nash ang cellphone nya. "O ayan. Iayos mo. Hindi to malalaman ni Julie. Sa ngayon. Pero ipangako mo na hindi ako madadawit dito." Sabi ni Nash.
BINABASA MO ANG
Law of Love
Fanfiction"Sa batas ng lupa, walang iibig ang hindi luluha." - Julie Anne San Jose Sa mundo kung saan bawat batas ay mahalaga. Kasama ba sa dapat mong ipaglaban ang pagmamahal? "Handa akong itaya lahat, wag ka lang mawala." - Elmo Moses Magalona