Chapter 16

1.9K 86 5
                                    

"Babe. Nahihilo ka ba? May masakit pa ba sayo?" Tanong ni Elmo kay Julie habang hawak ang kamay nito. Nasa elevator sila at nadischarge na din si Julie.

"Hindi na babe. Wala na po." Lambing ni Julie kay Elmo.

"Sigurado?" Pangungulit ni Elmo. Baka kasi may hindi nanaman sinasabi ang nobya nya sakanya.

"Oo nga. Kulit kulit naman ng baby ko." Malambing na sabi ni Julie.

Napangisi naman si Elmo. "Lambing natin ah? Yung totoo? Ilang dextrose ang tinungga mo? Hahaha." Pang aasar nito.

Napasimangot naman si Julie at bahagya syang tinapik. "Gago. Sige mang asar ka pa! Wag na nga lang!" Singhal ni Julie.

"Joke lang, babe! Ito naman. Masyadong seryoso. Hahaha."

"E basta!" Sagot nalang ni Julie.

"Hahaha. Dito ka lang ha? Kukuhanin ko lang yung kotse sa parking." Sabi nito at iniwan si Julie sa hagdan sa labas ng ospital.

Nagpalinga linga lang sya sa paligid. Gabi na pala. Tingin ba nya ay nasa alas nueve na ng gabi dahil medyo malalim at malamig na talaga ang gabi.

Naisip nya ang ginawa ni Elmo para sakanya ngayong araw. Ang reaksyon nito nang naidala sya dito sa ospital. Ang takot na bumalot sa gwapong mukha ng binata habang hawak ang kaliwang pisngi nya.

Napakaswerte ko pala. Nasabi nalang nya sa sarili nya.

Naputol lang pagmumuni muni nya nang bumusina si Elmo. Ngumiti sya ng matamis at nakita rin nyang ngumiti ito bago bumaba ng sasakyan at inalalayan sya sa pagbaba sa hagdan.

"Dahan dahan, babe ha?" Paalala pa nito pagkatapos ay binuksan na ang linto ng sasakyan para makapahinga na si Julie.

Pumunta sya sa kabilang side ng kotse at sumakay.

"Babe. Sigurado kang okay ka na?" Tanong pa ni Elmo.

"Oo nga po. Medyo nahihilo lang ako. Ayoko kasi talaga ng atmosphere ng ospital."

"I know honey. Ganyan din ako. Higa ka muna."

"Hindi na. Baka mainip ka magdrive. Huhuntahin nalang kita." Natawa naman si Elmo.

"Bahala ka." Sabi ni Elmo at nagdrive na. Hindi pa pala nya nasabi.

Nais kasi nyang matulog sa unit ni Julie ngayon para mabantayan nya ang kakainin nito at ang pag inom ng gamot. Ayaw naman nyang bumalik sila sa ospital ulit dahil sa katigasan ng ulo ng girlfriend nya.

"Babe?" Untag ni Julie. Marahil ay napansin nito ang pagkabalisa nya.

"H..ha?"

"May problema ba? Ang tahimik mo." Sabi nito. Naaamoy ni Julie na may problema.

"Ha? Ano wala."

"Come on. Spill it out." Sabi ni Julie pero umiling uli si Elmo. Baka kasi mabigla ang dalaga sa desisyon nya. Masyadong mabilis. Baka isipin nito na sinasamantala nya ang pagkakataon.

"Wala nga babe." Sabi pa ni Elmo. Pero hindi parin kumbinsido si Julie.

"Sasabihin mo o bababa ako dito?" Pananakot na ni Julie. Ayaw nyang naglilihim si Elmo.

Agad namang ihininto ni Elmo ang sasakyan sa shoulder.

"I..i..ibaba nya ako? Seryoso sya?" Isip isip ni Julie. Akmang bababa na sana sya ng piitin sya ni Elmo sa pamamagitan ng paghawak nito sa kanyang kamay.

"E..elmo."

"Saan ka pupunta?" Tanong nito

"E..e diba ihininto mo yung kotse. Meaning..meaning pinabababa mo ako?"  Gustong matawa ni Elmo sa sinasabi ni Julie pero baka mainis ito kaya tumikhim muna sya.

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon