Sa dalawang paghaharap nila April at Jeric ay hindi dumating ang nasusumbong kaya diretsong ipinasok na ito sa korte.
"April. Naipasok na yung kaso. Ngayon, I want you to be openminded ha. Maselan itong kaso mo. Pag tinanong nila kung paano at ano ang ginawa nya sa'yo. Sasabihin mo okay. Kung saan, kung kailan at ano ang paraan na ginawa nya."
Tumango si April. "Attorney, natatakot po ako."
"Huwag ka matakot. Hindi kita pababayaan don. Basta kung ano lang ang itatanong sa'yo. Yun lang ang sasagutin mo."
Sabi ni Julie at niyakap ang bata. Dalawang linggo na simula nang nag away sila ni Elmo at may kaunting tampo pa rin sya sa mga sinabi nito. Ni hindi nga nya ito tinabihan sa kama sa loob ng isang linggo. Pero patuloy ito sa pagsuyo sakanya.
"Knock-knock." Someone says.
Lumingon si Julie at nakita niya ang asawa nya na may dalang box ng pizza at inumin.
"Wait lang ha." Sabi ni Julie.
Tumango lang si April. Nilapitan nya ang asawa at tinaasan ito ng kilay.
"Nasa trabaho ako." Bungad nya dito.
Yumuko naman ang lalaki. "Gusto ko lang sana dalhin to sayo." Sabi ni Elmo.
Ito na ata ang pinakamatagal na panunuyo nya sa asawa nya.
"Ilagay mo nalang sa office ko." Utos ni Julie dito. Nandito kasi sila sa conference room.
"H..hindi mo ko sasamahan?"
"Busy ako. Nasa loob ang kliyente ko. Idala mo nalang sa office ko 'yan."
"Lalamig na to. Sige ka. Di na masarap."
"Elmo. Please. Kung gusto mo, hintayin mo nalang ako don. Just give me 15 minutes at kinokondisyon ko ang kliyente ko."
Tumango naman si Elmo at naglakad papunta sa office ni Julie.
Hay. Ba't mo ba kasi nasabi yon, Moe! Pagalit nya sa sarili nya. Kung di nya siguro sinabi yon ay okay sila ni Julie ngayon. Walang away at higit sa lahat. May mag aasikaso na ulit sa kanya. It's been two weeks na puro sya ang nag aasikaso sa sarili nya. Miss na miss na nya ang asawa nya.
Natapos ang pagmumuni mumi nya nya bumukas ang pinto sa opisina ni Julie.
Iniluwa non ang asawa. "Why're you here? Wala ka bang trabaho sa firm?" Tipid na tanong ni Julie habang ibinababa ang bag sa couch.
"Ah..ano kasi.. tapos na yung conference ko sa kliyente ko. Kaya pwede na ko umuwi. Since wala ka naman sa..sa bahay. Dito na ko dumiretso." Utal utal na sabi ni Elmo.
Hanggang ngayon kasi ay ramdam nya ang galit mula sa asawa.
Tumango lang ito. "Busy ako ngayon. Maiinip ka dito."
"Hindi!" Mabilis na sagot ni Elmo. Alam nya ang gusto mangyari ni Julie. Gusto nito na umalis sya.
"Hindi ako maiinip."
"Bahala ka. Marami akong inaasikasong paperworks."
"S..sige. G..gusto mo tulungan kita?"
"Kaya ko na 'to." Tipid na sabi ni Julie at naupo sa upuan nya.
Inalabas nya lahat ng gagawin nya. Habang si Elmo ay pinapakiramdaman naman ang asawa.
"Quit staring."
"Ha? Hindi ah."
"Ano ka highschool? Sabi ko wag ka tumitig saakin. Nadidistract ako."
"Pati ba naman pagtitig bawal?" Mahinang bulong ni Elmo.
BINABASA MO ANG
Law of Love
Fanfiction"Sa batas ng lupa, walang iibig ang hindi luluha." - Julie Anne San Jose Sa mundo kung saan bawat batas ay mahalaga. Kasama ba sa dapat mong ipaglaban ang pagmamahal? "Handa akong itaya lahat, wag ka lang mawala." - Elmo Moses Magalona