"Atin to!?" Manghang tanong ni Julie habang inililibot ang paningin sa bahay.
"Yes. Sorry ha. Wala man lang wine or kahit anong makakain sa pagwelcome ko sayo dito. Rush kasi lahat eh."
"Ano ka ba. It's perfect. Masaya na ko sa banner na ginawa mo kahit pangit ang sulat mo." Sabi ni Julie na natatawa.
"Ganyan ka ba talaga magsabi ng thank you?" Sarcastic na sabi ni Elmo na siyang nagpatawa kay Julie.
"Ito naman. Joke lang. Pwede ko maglibot?" Tanong ni Julie.
"Kung hindi ka takot sa multo, sure..go ahead.. pero kung takot ka. Wag nalang." Panloloko ni Elmo kay Julie.
Medyo kinilabutan naman si Julie sa narinig. "Ah eh. Sabi ko nga, dalawa tayong maglilibot."
"Dito ba tayo matutulog ngayon?" Tanong ni Julie kay Elmo.
"Yes. Meron kang damit sa kotse diba?"
"Oo. Pero.. diba may pasok tayo bukas? Practice ng graduation."
"Uuwi tayo sa condo bukas ng umaga. Sa ngayon, dito na tayo magpalipas ng gabi."
Hinawakan ni Julie ang piano na nasa sala at napansin na hindi ito maalikabok.
"Ilang taon hindi natirhan tong bahay?"
"Mga 2 years. Bakit?"
"Sino huling tumira dito?"
"Yung pinsan ko tsaka yung pamilya nya. Halos dalawang buwan lang sila tumira dito kasi nag migrate na rin sila sa ibang bansa."
"E bakit hindi maalikabok itong piano?"
Lumapit si Elmo kay Julie. "E pinalinis ko sa mga maid ni Daddy yan. Nag utos ako kahapon remember?"
"So planado talaga to?"
"Not exactly." Tipid na sabi ni Elmo.
"Ilan room dito?" Tanong ulit ni Julie kaya mas lumawak ang ngiti sa mukha ng gwapong si Elmo.
"Apat lang. Yung room natin, yang unang pintuan mula sa hagdan." Turo ni Elmo.
"Tara tignan!" Excited na sabi ni Julie at hinila pa si Elmo.
Hindi mapirmi ang mata ni Julie habang paakyat sa hagdan. Halos mapanganga nga sya sa isang malaking chandelier sa sala.
"Parang palasyo. Ang ganda, Elmo!" Puri nya.
Malaki ang bahay at halata mong isang mayamang pamilya talaga ang nagmamay ari nito.
Binuksan ni Elmo ang isang pinto. Iyon ang master's bedroom.
"Woooah. Parang hotel. Bahay mo talaga 'to?"
"Gusto mo ng titulo? Hahaha. Oo, bahay natin to." Inakay sya ni Elmo papasok sa loob at nasilayan ni Julie ang isang malaking kama sa gitna ng kwarto. At mayroong dalawang pinto sa gilid.
"Yung isang pinto, papunta sa banyo. Yung isa, sa walk in closet." Tumango nalang si Julie at muling inikot ang tingin sa kwarto. May malaking TV na nakasabit sa pader sa paanan ng kama.
May couch din sa gilid at mini table.
"Parang sobrang laki naman ata ng bahay na to para sating dalawa."
"Anong malaki? Sakto nga lang eh. Yung naibenta ni Daddy na bahay ni Ate Max. Yun ang malaki"
"Ang yaman nyo pala talaga. Dream car ko, nasayo. Pati ba naman dream house ko?" Natatawang tanong ni Julie.
"Yung car ko, sayo na din. Yung bahay ko, sayo na din. Lahat ng pag aari ko, iyo."
Naglakad si Elmo at naupo sa kama. Kinuha din nya ang remote ng aircon at sinindihan yon.
BINABASA MO ANG
Law of Love
Fanfiction"Sa batas ng lupa, walang iibig ang hindi luluha." - Julie Anne San Jose Sa mundo kung saan bawat batas ay mahalaga. Kasama ba sa dapat mong ipaglaban ang pagmamahal? "Handa akong itaya lahat, wag ka lang mawala." - Elmo Moses Magalona