Chapter 15

2K 89 5
                                    

Pabalik balik si Elmo sa hallway ng ospital habang hinihintay ang doktor na nag aassist kay Julie.

Nanlalamig na rin ang kamay nya. 2:07 pm na. Hindi na siguro sila papasok.

"Julie Anne San Jose." Agad tumayo si Elmo para salubungin ang doktor.

"Doc."

"Kaano ano mo si San Jose?"

"F..fiance ko po. Kumusta po sya? Ano pong nangyari?" Sunud-sunod na tanong ni Elmo.

Marahan namang tinignan ng doktor ang result sa isang papel.

"Si San Jose. Allergy ang nangyari sakanya. Nakakain o nakainom sya ng bawal sakanya." Sabi ng Doktor.

Agad namang napaisip si Elmo. Ano naman kaya ang nakain ni Julie. Ang alam nya ay ang kape lang naman at yung Shrimp curry. Imposible namang allergic ito sa kape. Napaka imposible dahil ito nga mismo ang bumibili ng sarili nyang kape sa school. Baka naman..baka naman sa shrimp curry!

"Nagluto kasi ako, Doc ng shrimp curry kaninang lunch and kaninang umaga naman po ay coffee lang ang laman ng tiyan nya."

"It must be the shrimp. Mr?" Naghihintay na tanong ng Doktor.

"Mr. Magalona, Doc. Baka nga po."

"Hmm. Yes. Probably. Anyways, this is the list of medicines that you can buy at the drugstore, dyan lang sa baba. You can see her na sa Room 97."

"Thanks Doc."

"Yes. Thank you din. Excuse me, I have to check up on my next client." Sabi nito kaya ngumiti nalang si Elmo. Agad din nyang hinanap ang room ni Julie.

Ang tigas kasi ng ulo. Hindi man lang sinabi na bawal sya sa hipon! Naiinis na isip ni Elmo.

Minsan talaga itong si Julie, mapilit kahit alam na bawal at masama.

P.Room 97

Agad pumasok si Elmo sa room at nakita si Julie na naka swero at parang gising na.

"B..babe." Tawag nito kay Elmo. Agad namang isinara ni Elmo ang pinto at lumapit sa higaan ng kasintahan.

"Baby im here." He there said.

"Sorry." Paghingi ng paumanhin ni Julie. Kung di matigas ang ulo nya hindi sya mapupunta sa ospital. Hindi mag aalala si Elmo.

"No honey, Im sorry. Di ko kasi alam na bawal ka sa shrimp. Kung alam ko lang hindi na sana ko nagluto non."

"Ayoko lang naman kasi i distract yung mood mo na excited kang magluto. It's my fault." Paninisi ni Julie sa sarili nya.

Tumayo naman si Elmo at hinalikan sa labi si Julie. "Shh. Ang mahalaga ayos ka na. H'wag mo na uulitin yon ha. Kasi natakot ako kanina, Jules." Sabi ni Elmo at hinawakan sa mukha ang nobya.

"Hindi pa pala talaga natin masyadong alam ang tungkol sa isa't-isa." Natatawa na sabi ni Julie.

"We have plenty of time to do that, babe. For now, magpahinga ka muna."
"Hindi na tayo papasok?" Tanong ni Julie.

"Hindi na muna. Don't worry. I'll text Maqui na hindi muna tayo makakaattend ng class ngayon. Para makopyahan nya tayo ng notes." Sabi ni Elmo at dinukot ang phone sa bulsa nya.

"Hwag mong sasabihin na nandito tayo sa ospital. Hindi rin papasok yan." Paalala ni Julie.

"Opo." Sabi naman ni Elmo at nagumpisa ng magtext.

"Hanggang kailan daw ako dito?" Tanong ni Julie. Ayaw nya kasi sa ospital. Sa lahat ng lugar sa mundo, dito sya bwisit na bwisit. Bukod kasi sa amoy alcohol na hindi mo mawari ang paligid ay takot sya dahil sa mga napapanood nya sa horror movies.

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon