"Attorney Julie Anne. Tatapatin ka na namin, mahina ang kaso mo. Halos isang buwan na tayo naghihearing pero wala pa rin kayong naipapalag na matinding ebidensya." Sabi ng judge sa kalagitnaan ng hearing.
Yumuko lang si Julie. "B..bigyan nyo pa po kami ng time, judge."
"Wala ka ba man lang witness?" Tanong pa nito.
Nakatingin lang si Elmo sa asawa nya. Oo ginusto nya matalo ito, pero ayaw nya ang nakikita nya. Ayaw nyang nakikita na nasasaktan ng ganyan si Julie. Pero ito naman kasi, ayaw bumitaw sa kaso.
"Wala---
"Meron po!" Sabay sabay na napalingon ang mga tao don. Maging sila Julie.
"Ako po. Pwede po akong tumestigo laban kay Jeric."
"Lance!" Pigil ni Jeric dito.
"I'm sorry Jeric. Pero di na ko pinatutulog ng kunsensya ko. Judge, Attorney. Nandito po sa flashdrive ko ang video ng panggagahasa ni Jeric kay April. Nai video nya po ito ng palihim at isinend po saakin." Tuloy tuloy na sabi nito.
Tumayo naman agad si Julie at si Elmo. Nilapitan ito ni Julie.
"P..pwede?" Tanong ni Julie at dahan dahang inilahad ang kamay para makuha ang flashdrive.
"Opo." Ibinigay nito ang flashdrive.
Sinaksak agad ni Julie ang flasdrive sa laptop nya at sinaksak sa projector.
"Judge, I'm requesting for some privacy." Sabi ni Julie.
Tumingin naman ang piskal sa mga tao at sumignal na lumabas muna ito. Naiwan lang sa loob ang piskal, ang kampo ni Julie at ang kampo ni Elmo.
Napahagulgol nalang si April sa nasaksihan.
"NO! HINDI TOTOO YAN!" Sigaw agad ni Jeric.
Nanlalaki naman ang mga mata ni Elmo habang tutok na tutok sa projector.
Natapos ang video at napatunayan na totoo ngang nilapastangan ni Jeric si April.
Tulala ang lahat. Tsaka nalang napabalik sa diwa ang mga ito ng magsalita ang Judge.
"Sa loob ng isang buwang paglilitis ay ikaw Jeric Guerrero ay napatunayan na nagkasala sa batas sa paraang panggagahasa sa biktimang si April Tinio ay hinahatulan ng pagkakakulong sa loob ng kaukulang taon na nakatakda ayon sa iyong kaso. So ordered." Sabi ng piskal.
"Attorney Magalona. Do something!" Sigaw ni Jeric habang pinoposasan.
"I'm sorry, Jeric." Sabi nalang ni Elmo at pinanood ang pag aresto sa kliyente nya.
Ito ang kauna unahang kasong kinatalo nya. Sa loob ng isang buwang paglilitis ay isang buwan na din syang lihim na tumatawag sa kondisyon ni Dana. Hindi na sila ganoon kadalas mag away ni Julie dahil hindi na nya alam ano ang unang iintindihin. Masyado syang pre-occupied sa kondisyon ng dating kasintahan.
Sa loob rin ng isang buwan ay walang nahahalata si Julie
"Congratulations." Bati ng judge kay April.
"Salamat po."
Niyakap ni Julie ang kliyente nya. "Tapos na, April."
"Salamat po, Attorney." Lumapit si Julie kay Elmo para sana makipagkamay pero nauna na itong lumabas ng korte.
Paglabas ni Julie ay nagulat sya dahil maraming Press. Oo nga pala, lumabas ang pagmumukha nilang mag asawa sa TV.
"Attorney Julie Anne Magalona. Ano pong masasabi nyo ngayong sa wakas ay naipanalo nyo na ang kaso laban sa kasong hinahawakan ng iyong asawa?" Tanong ng isa.
BINABASA MO ANG
Law of Love
Fiksi Penggemar"Sa batas ng lupa, walang iibig ang hindi luluha." - Julie Anne San Jose Sa mundo kung saan bawat batas ay mahalaga. Kasama ba sa dapat mong ipaglaban ang pagmamahal? "Handa akong itaya lahat, wag ka lang mawala." - Elmo Moses Magalona