"Congrats Julie!" Sabi ng mga kaklase ni Julie habang palabas ang mga ito.
"Ah salamat." Sabi nalang nya. Nakita nya na nakatingin sakanya si Elmo at nakangiti.
"Congrats." Sabi ni Elmo nang malapitan sya nito at naglahad ng kamay.
"Salamat, Elmo." Tugon naman nya sa lalaki at tinanggap ang kamay nito.
"Next time, babawi ako." Sabi pa ni Elmo na natatawa. Tanggap nya. Tanggap niya na si Julie ang nanalo sa debate.
"Sana hindi na tayo magkatapat next time no?" Ani Julie habang inaayos ang laptop nya sa laptop bag.
"Oo nga eh. Ang anghang kasi ng palitan natin ng salita kanina." Sabi naman ni Elmo na nagkakamot ng ulo.
"Tsaka hindi. Medyo awkward kasi na tayo ang magkalaban kanina. E diba nga, first day natin to as a friends?" Sabi ni Julie.
"Hayaan mo na, Attorney. Basta wala akong ibang masabi kundi ang galing mo." Sabi ni Elmo at ngumiti.
"Salamat. Ikaw din. Ang galing mo kanina. Yung team mo lang talaga ang walang pakisama." Totoo naman eh. Yung team talaga ni Elmo ang naglaglag sakanila kanina. Bukod kasi sa hindi nila pinag aralan ang ihahain nilang topic ay hindi ito marunong magsalita on the spot kaya lagi silang nahuhuli ni Attorney San Jose.
Hindi naman pwede na si Elmo lang ang magtanggol sa topic nila dahil by group ang presentation.
"Oo nga. Nakakaasar kasi si JL sabi ko sakanya aralin nya muna. Hindi naman ata nireview." Naiinis na sabi ni Elmo.
"You should be the captain of your group next time. Alam mo na gagawin sa susunod, wala kang maasahan sa kanila. Hahaha."
"Well. Tama ka. Pero San Jose ha. Ni porke't friends na tayo. Hindi ako babawi sa Finals and Bar Exam." Sabi ni Elmo
"Hahaha. Oo na. Basta, we'll do our best para sa finals and bar exam. After finals mga dalawang buwan magtetake na ko ng bar exam eh. Ikaw?"
Napaisip naman si Elmo. "Sige mga after 2 months din. Sabay tayo." Sabi ni Elmo kay Julie.
Nang maiayos ni Julie ang gamit nya ay binuhat na nya yon. Pero kinuha ni Elmo ang iba. "Tulungan na kita." Sabi nito.
"Salamat. Tara na uwi na tayo. Padilim na din eh." Ani Julie.
"Oo nga. Asan pala si Attorney Farr?"
"Ah oo nga pala. Nag c.r lang. Sasabay sya umuwi. Pero may dala rin syang car." Tugon ni Julie.
Naglalakad sila papuntang parking lot.
"San Jose!" Sigaw ni Maqui. Napalingon naman si Julie at si Elmo.
"Oh?"
Palipat lipat ang tingin nya kila Julie at Elmo na parang nagtataka na magkasama ang dalawa. "W..what's the meaning of this?"
Natawa naman si Elmo. "Hi Frenchfries! We're now friends!" Pagmamalaki ni Elmo.
"At kelan pa ko naging patatas? Nako Hulyeta ha! Wag mo sabihing na-inlove ka jan habang nasa selda kayo? Ay nako! Sinasabi ko na nga ba. Deny deny ka pa nung una. May pasabi sabi pang---"
"Maqui. Kalma. Friends lang." Sabi ni Julie na natatawa.
"Ahhhh! May bago tayong friend!" Sabi ni Maqui ng mag sync in sakanya ang sinabi ni Julie.
Tumakbo pa ito kay Elmo at nakipag fist bump. "Ayos!" Sabi nito.
"Guys. Medyo padilim na eh. Hahaha. Baka gusto nyong umuwi muna?" Pigil ni Julie.
BINABASA MO ANG
Law of Love
Fanfiction"Sa batas ng lupa, walang iibig ang hindi luluha." - Julie Anne San Jose Sa mundo kung saan bawat batas ay mahalaga. Kasama ba sa dapat mong ipaglaban ang pagmamahal? "Handa akong itaya lahat, wag ka lang mawala." - Elmo Moses Magalona