"Elmo!" Tawag ni Maqui kay Elmo habang mabilis itong naglalakad
Humarap si Elmo at ng makitang si Maqui ang tumawag sakanya ay dali dali ulit siyang tumalikod. He doesn't want to talk to any of his close friends as of now na may tampuhan sila ni Julie.
"Magaloser, wait up!" Sabi ni Maqui nang tumalikod si Elmo. Ano kaya problema nun?
Nang hindi makakuha ng sagot ay sinundan nya ito.
"Elmo, sandali lang sabi eh!" Sabi nito at hinigit ang kamay ni Elmo.
"Frenchfries, not now. Im not in the mood." Nakasimangot na sabi ni Elmo.
"Bakit ka ba nagmamadali? Natatae ka ba?" Iritang tanong ni Maqui habang hinihingal.
"Tsk. Ano ba kasi yon!?" Singhal ni Elmo.
"Tangina, init ng ulo mo ah. Problema?"
"Wala." Sabi ni Elmo at nag iwas ng tingin.
"Sino niloko mo? Sasabihin mo o sasabihin mo?"
Naiinis na tinignan ni Elmo si Maqui. "Fine. It's about Julie Anne."
"Ay LQ kayo ng bff ko? Ay grabe sya."
"Gusto mo ba malaman o aasarin mo lang ako?"
"Sabi ko nga gusto ko malaman."
Ikinuwento ni Elmo lahat ng nangyari nang mga panahon na may tampuhan silang dalawa ni Julie. Ang pagpapakasal nila, ang pagpapahold ng graduation at subpoena ni Leah.
As usual, kung ano ang naging reaksyon nila Nash at JL ay ganun din ang naging reaksyon ni Frencheska. Mas exaggerated nga lang.
"Ay taray ah. May subpoena pang involve. Magaling magaling. Magandang ideya yan." Sabi ni Maqui.
Elmo narrowed his eyes to his girlfriend's bestfriend who happens to be his friend too."Nagalit nga si Julie diba? Anong magandang ideya? Tsaka hindi papayag si Julie Anne no." Sabi ni Elmo.
"Hmm. Siguro sa subpoena hindi talaga papayag si Julie. Pero sa pagpapahold ng Graduation ni Leah. Tingin ko, papayag sya."
"Nag away nga kami dahil d'yan eh. Tsk. Pero teka...okay na ba kayo ni Japs?"
"Hindi pa nga. Kaya nga kita tinawag kasi gusto kong makipag ayos na sakanya. Turns out kayo pala dapat ang mag ayos. Uy, isip isip din ha! Ikakasal na kayo, hindi na pwede yung pag di kayo nagkakaintindihan walk out agad ang drama nyo."
"E siya naman din kasi. Hindi nya maintindihan yung desisyon namin ni Kuya." Sabi ni Elmo at napakamot pa ng ulo.
"O baka kayo ang hindi makaintindi sakanya? Come to think of it. Matalino naman si Julie, hindi yon gagawa ng desisyon na ikapapahamak nya."
Natigilan naman si Elmo..
"Tsaka ngayon tayo kailangan ni Julie. Hindi ba dapat tayo ang umintindi sakanya ngayon? Napag isip isip ko rin kasi. Kailangan ako ng bestfriend ko, ayokong sa iba sya hihingi ng comfort kaya kailangan ko makipag ayos sakanya. Ikaw din, ganon ang gawin mo. Lawakan mo pa ang pag intindi sa saltik na yon."
Hindi na sumagot si Elmo at namalayan nalang na nasa mall sya at naghahanap ng pang peace offering kay Julie.
To : Babe 💙
Nasaan ka?"Miss magkano itong singsing?" Tanong ni Elmo sa saleslady.
"23,000 po sir." Agad na nilabas ni Elmo ang credit card nya. Ngayon lang nya naisip na sobrang bobo nya. Nag propose sya kay Julie nang walang singsing at walang matinong proposal.
BINABASA MO ANG
Law of Love
Fanfiction"Sa batas ng lupa, walang iibig ang hindi luluha." - Julie Anne San Jose Sa mundo kung saan bawat batas ay mahalaga. Kasama ba sa dapat mong ipaglaban ang pagmamahal? "Handa akong itaya lahat, wag ka lang mawala." - Elmo Moses Magalona