Napahilot si Elmo sa munting espasyo sa pagitan ng mata nya. Binabantayan niya ang kanyang ate at kasabay non ay pagrereview.
Hindi naman talaga sya nagrereview. Inaalis lang nya sa isipan nya na magkasama si Justine at Julie kahapon at inasahan nya na babalik ito kaagad.
"M..moses." Tawag ng ate nya kaya tumayo sya.
"Ate. Ano gusto mo?"
"Sila Mom and Dad?"
Kaaalis lang kasi ng mag asawa para kumuha ng gamit.
"Umalis ate, eh. Pero babalik din daw agad." Sabi ni Elmo at inayos ang kumot ni Maxene.
"Okay." Halos pabulong na sabi nito.
"Ate wag ka na muna magsasalita ha? Para di ka mabinat." Pag aalala ni Elmo sa kapatid. Pilit namang pinakita ni Maxene na maayos sya.
"A..ayos lang si ate." Sabi nito.
"Lokohin mo lelang mo. Sige na, pupunta mamaya dito si Kuya Frank. Aasarin ka non." Pananakot ni Elmo.
Ngumiti naman si Maxene. "I miss you baby brother." Nakangiti naman at maingat na yumakap si Elmo sa ate nya.
"I miss you too, ate."
Napangiti rin si Maxene. Nahagip ng mata nito ang libro na binabasa ni Elmo. Naalala nya na magfa-finals na ito.
"Mag aral kang mabuti." Sabi ni Maxene pagkakalas ng yakap kay Elmo.
"Huh?"
"Sabi ko, mag aral ka ng mabuti. Para maging top 1 ka sa bar. H'wag ka tumulad saakin na top 3 lang." Sabi ni Maxene.
Malungkot namang ngumiti si Elmo. "Ate.."
"It's okay, Moses." Sabi ni Maxene.
Noong mga panahon kasi na magtetake na si Maxene ng bar exam ay sunod sunod na problema sa pamilya ang hinarap niya. Muntikan maghiwalay ang parents nya at lagi itong nag aaway. Hindi sya nakafocus at para iiwas ang sarili sa sakit na dinadanas ng pamilya nya ay kahit gaano sya katalino, laman sya ng bar. Ginawa nya yon para makalimot, pero ang alak pala, hindi lang panandalian ang epekto. Katulad ng nangyari sakanya. Hanggang ngayon dama nya na talunan sya. Kahit ilang beses na sinasabi ng mga kapatid at magulang nya na hindi.
"Ate. Hindi ka ba masaya? Naka top 3 ka. Achievement yon! Sa dami ng nagtake ng bar na nangarap maging abogado at makapasok sa top 5. Hindi nila nakuha. Ikaw? Nasama ka. Kaya okay pa rin diba?"
"Pero nangarap ako maging top 1."
"Alam mo may kilala kong ganyan. Classmate ko sya. Magkaaway kami noong una kasi lagi nalang daw ako nasa top 1 sa ranking. Pareho mo, pareho kayong nangangarap maging top 1. Ate ano ba silbi non? It's just a rank. Marami kang pwedeng patunayan sa labas. Kita mo, madami ka ng napatunayan." Sabi ni Elmo sa nakatatandang kapatid.
"Classmate? Baka mainlove ka don ha. Hahaha." Sabi ni Maxene to lighten up the mood.
Inlove na nga ata eh. Hindi kasi nakatulog si Elmo at tingin nya ay sign na yon na inlove nga sya kay Julie Anne. Alam ni Elmo na halos tatlong araw pa lang silang magkaibigan. Peo ewan ba nya, siguro kasi dati palang ay may pagtingin na sya dito pero hindi nya maamin kasi natatakot sya na lapitan ito.
The mere fact na magkasama si Justine at Julie kagabi ay hindi nya alam pero sumasakit ang dibdib nya. Para saan naman diba? Tangina kaibigan nga lang kasi dapat eh!
"Hindi. May boyfriend eh." Dismayadong sabi ni Elmo.
"E ano naman? Sus. Mag asawa nga naghihiwalay eh."
BINABASA MO ANG
Law of Love
Fiksi Penggemar"Sa batas ng lupa, walang iibig ang hindi luluha." - Julie Anne San Jose Sa mundo kung saan bawat batas ay mahalaga. Kasama ba sa dapat mong ipaglaban ang pagmamahal? "Handa akong itaya lahat, wag ka lang mawala." - Elmo Moses Magalona