Chapter 23

1.9K 85 6
                                    

"Elmo Magalona." Sabi ng Daddy ni Julie. Nandito sila sa garden na malayo sa maiingay na nagpaparty sa pool nila.

"Yes po?"

"Abogado ka din?"

"Opo." Kinakabahang sagot ni Elmo.

"Anak ka pala ni Attorney Pia. Hindi ba naikwento sayo ni Julie na fan ako ng family nyo. Akala ko nga kaibigan ka lang nya kasi yun ang sinabi nya sakin last time."

"Yeah. Magkaibigan lang po kami nung una. Things get rough between us this past few months. Pero I'm glad that when I asked her to marry me. She said yes."

Nakatingin lang ang mag asawa kay Elmo pati na rin si Julie. "Mahal mo ba ang anak ko?"

Ngumiti si Elmo at tinignan sa mata si Julie. "Mahal na mahal po, sir." At nagbalik ng tingin sa daddy ni Julie.

"Bakit mo sya mahal?" Malamig na tanong nito. Hindi naman sya masisi ni Elmo dahil nag iisang babae si Julie at inunahan pa nito si Justine sa pag aasawa.

"Bakit ko po sya mahal? Well, ako din po sir hindi ko po alam. Kasi po kung mahal nyo po ang isang tao at may kondisyon po yung pagmamahal nyo. Hindi po pagmamahal yon. Ako po kay Julie, mahal ko po sya at hindi ko alam kung bakit, kung paano. It's just happened, sir." Sabi ni Elmo at hinawakan pa ang kamay ni Julie.

Napangiti naman si Marivic at si Jonathan. "So kailan ang kasal?" Tanong ng daddy ni Julie.

"P..po?"

"Ayaw mo?" Biglang seryoso ulit na tanong ni Jonathan.

"G. Gusto po!"

"Dad. Ganon kabilis? Ipinamimigay mo na ko?" Paghihimutok ni Julie.

"Julie Anne, Baby. Yung mga ganitong lalaki, hindi pinapakawalan." Sabi ni Jonathan sakanya.

"Kahit na! Wala ba man lang challenge?"

"Honey, they've already agree. Dont ruin my momentum." Sabi ni Elmo na natatawa.

"Balak po sana namin, sir na 2 years pa bago kami magpakasal pero magsasama na po muna kami." Sabi ni Elmo.

Napakunot naman ang noo ni Jonathan. "I think I wont agree with that. Bakit hindi nalang kayo magpakasal muna sa judge, para naman may assurance ang anak ko. Babae ang akin, Elmo."

Napatingin naman sya kay Julie. "Oo nga iho, wala naman sigurong masama don. Para din sa ikagaganda ng reputasyon nyong dalawa. Kahit judge lang muna."

"Gusto ko po kasi sana na iharap sya sa altar."

"Pwede nyo naman gawin yon after 2 years ang amin lang, i-legal na natin yung proseso."

Napaisip naman si Elmo. "Kung yon po ang gusto nyo, sige po."

"Salamat." Sabi ng dalawa.

"Anyway, may bahay na ba kayong titirhan? Masyadong maliit ang condo para sainyong dalawa."

"Mayroon na po, sir. Sa Woodville po sa Novaliches lang din po."

"Bahay ng parents mo?"

"Ah hindi po. Sarili ko pong bahay."

Tumango tango naman si Jonathan. "You have our blessing iho. Kahit nakakagulat. I know that this will make my daughter happy."

"Thank you po, sir! This means a lot."

"Daddy.Call me Dad."

"And you can call me Mommy."

"Welcome to the family." Sabi ng dalawa.

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon