A/N : Late nanaman. Forgive ze typos. Palapit na ng palapit ang finish line. 💔
~
"Julie Anne.." Tawag ni Elmo kay Julie.
"O? May masakit?" Tanong ni Julie sa asawa.
Umiling si Elmo at tinuro ang paa ni Jezreel na nakadantay sakanya.
Bahagya naman na natawa si Julie at inalis ang paa ng anak. "Sorry ha. Ganyan kasi talaga matulog yan eh."
"Ang cute nga nya eh." Sabi ni Elmo at natawa pa.
"Mommy. Wag ka pong maingay." Ungot ni Jezreel.
"E anak, wake up na. Andito si Daddy oh." Sabi ni Julie sa anak.
Agad naman nagdilat ng mata si Jezreel. "Did you just say.." At napatingin kay Elmo.
"DADDY!" Bulalas nito at yumakap aa ama.
"You're here! You're here!" At pinugpog si Elmo ng halik sa mukha.
"Yuck. Humahalik ka kay Daddy e hindi ka pa nag toothbrush." Sabi ni Julie at inasar pa ang anak.
"Mommy.." Ungot ni Jezreel. Natawa naman si Elmo at itinukod ang siko pagkatapos ay hinalikan ang anak.
"Good morning baby ko! I love you." Malambing na sabi ni Elmo sa bata.
"Good morning, daddy. I love you more."
Napangiti naman si Julie nang pagmasdan nya ang mag ama.
Ito yung pinangarap nya noon eh. Yung gumising katabi ang asawa at ang anak nya.
"Magluluto lang ako, then I'll bring the breakfast here. Ayos ba yon?" Tanong ni Julie sa dalawa.
Agad namang tumango si Jezreel. "Pero mommy. Magttoothbrush muna ko at magwawash." Sabi ni Jezreel at nagpakarga pa kay Julie.
Binuhat naman sya ni Julie. "Okay. Yun lang pala eh." Sabi ni Julie at dinala si Jezreel sa banyo.
Napangiti naman si Elmo nang tignan ang mag ina nya. Kung nakakalakad lang sana sya.
Naisip nya agad yon kaya pilit nya ulit na ginagalaw sa ilalim ng kumot ang paa nya.
"Please.." Bulong nya at pinilit ulit pero walang nangyari.
Ilang sandali pa ang hinintay nya nang lumabas na ang mag ina sa banyo.
"Jezreel, anak. Mauna ka na lumabas ha? You help me on the kitchen. Aasikasuhin lang ni mommy si daddy. Okay?"
"Opo mommy. Daddy, don't worry. Gagaling ka rin po. Kasi po super nurse po si mommy eh. Pag po sya nag aalaga sakin pag sick ako, gumagaling po ako agad." Pagmamalaki ni Jezreel at yumakap sa ama.
"Ganon ba? E hayaan mo anak. Pag magaling na si Daddy. Maglalaro tayo. Tapos maga-out of town tayo."
Nakangiti lang naman si Julie sakanila. "Talaga po? Daddy gusto ko po magpunta sa Zambales. Maganda daw po don sabi ni Dada eh."
Unti unti namang binalutan ng lungkot ang mata ni Elmo.
Pero agad napansin yon ni Julie.
"Ah eh. Anak. Sige na. Baka gusto na ni daddy magwash up eh." Sabi ni Julie.
Agad namang sumunod si Jezreel.
Paglabas ni Jezreel ay lumuhod si Julie. "Sorry. Dapat di nya binanggit si Marlo."
"No. Ayos lang. I'm thankful to him tho. Kasi may kinilalang ama ang anak ko." Sabi ni Elmo.
Tumango naman si Julie at dahan dahan na rin itinayo si Elmo.
BINABASA MO ANG
Law of Love
Fanfiction"Sa batas ng lupa, walang iibig ang hindi luluha." - Julie Anne San Jose Sa mundo kung saan bawat batas ay mahalaga. Kasama ba sa dapat mong ipaglaban ang pagmamahal? "Handa akong itaya lahat, wag ka lang mawala." - Elmo Moses Magalona