Kagaya ng sinabi ni Julie sa huli nilang pag uusap ay bumalik si Elmo sa Manila na hindi kasama ang nobya.
Ilang linggo na silang walang usap at hindi pa rin nate-trace kung sino ang nagpost ng pictures sa bulletin board. Dahil wala pang approval mula sa admin ang hinihingi nilang CCTV Footage."Ano ganyan ka nalang?" Tanong ni JL sa kaibigan nya. Nandito kasi sya sa condo ni Elmo.
"Wag mo muna ko lecture-an, JL." Sabi nito at tinungga ang alak na nasa tabi nya. Nakakarami na rin kasi sya.
"Elmo, tama na yan." Awat ni Nash.
"Kaya ko." Tipid na sagot ni Elmo. Meron pang nakaharap sakanya na halos limang bote.
"Elmo. Pag nalaman nila Tita 'to baka sumugod yon dito." Sabi pa ni Nash. Tumawa lang ng mapakla si Elmo.
"Kahit na. Hindi nyo alam ang nararamdaman ko, kaya pabayaan nyo muna ako."
Nagkatinginan si JL at Nash. Ganitong ganito si Elmo nang umalis si Dana pero parang mas malala ito.
"Elmo, naiintindihan ka namin. Pero pare naman. In two weeks, inannounce na ni Attorney Racho na magfafinals na tayo. Ilang linggo ka ng ganyan."
"Wala kang pake." Sabi nito.
"Sinabi ng tama na eh." Sabi ni Nash at inagaw ang bote kay Elmo.
"Ano ba!"
"Gago ka ba ha? Running ka for top 1 tapos ganyan ang gagawin mo? Si Julie din naman ah! Nasasaktan sya! Pero hindi sya sumusuko. Lumalaban sya. Tinutuloy nya ang buhay nya!"
"Nasasabi nyo yan kasi wala kayong alam! Wala kayong alam sa nararamdaman ko! Hindi nyo alam ang pakiramdam ng nasaktan, naakusahan at iniwan!" Sabi nito at napapahid pa ng kumawalang luha sa mga mata nya.
Kahit nakakaramdam ng awa sila JL ay hindi nila pwedeng i tolerate si Elmo sa ginagawa nito. Kasi naniniwala sila na may pag asa pa kay Julie at Elmo.
"Alam namin, tol. Hanggat maari ayaw ka na sana namin magmahal ulit eh. Kasi ayaw namin mawalan ulit ng kapatid. Tol alam mo kung ano ang dinanas mo kay Dana. Don't you think tanga ka na pag nagmukmok ka ulit kagaya ng ginawa mo non?" Sabi ni JL.
Halos maiyak naman na si Elmo. "Tangina naman kasi eh. Sino ba kasi yung tanginang nagpost ng picture na yon. Hindi naman ako yon eh. Pero saakin naibintang ni Julie. Kaya nya ko iniwan."
"Kung talagang kayo, kayo pa rin in the end. Magfafinals na. Kailangan mo mag aral. Elmo, this is your dream! Sa lahat ng naranasan natin sa Adilet ito na ang finish line."
"Ang hirap eh. Ang hirap ituloy yung buhay ng wala sya. Matatanggap ko naman eh. Matatanggap ko kung ginawa ko yung sinasabi nya, pero hindi eh! Hindi ako."
Unti unting kinuha ni Nash yung boteng nasa harap ni Elmo at ibinaba yon sa gilid.
"Pumasok ka. Hindi magugustuhan ni Julie na ganyan ka." Sabi ni Nash at tinapik si Elmo.
Dumukdok lang naman si Elmo at nagsalita. "Babalik sya sakin, Pare. Whatever it takes. Kukuhanin ko sya ulit."
Ilang sandali pa ay pinanawan na ito ng ulirat dahil na rin sa epekto ng alak.
"Dito na tayo matulog, Nash. Baka magpakamatay pa yan eh."
"Oo nga pre. Naaawa na rin ako kay Moe."
"Kailangan mahanap natin ang may gawa nyan para pagbayaran nya ang ginawa nya sa mga kaibigan natin."
"We'll do everything, dude." Ganti ni Nash at tinignan ang natutulog na kaibigan.
BINABASA MO ANG
Law of Love
Fanfic"Sa batas ng lupa, walang iibig ang hindi luluha." - Julie Anne San Jose Sa mundo kung saan bawat batas ay mahalaga. Kasama ba sa dapat mong ipaglaban ang pagmamahal? "Handa akong itaya lahat, wag ka lang mawala." - Elmo Moses Magalona