"J..julie.." Mahinang bigkas ni Elmo. Para syang binugbog sa sobrang sakit ng katawan nya.
Agad lumapit si Julie at Jezreel. "Daddy.." Tawag ni Jezreel sa ama.
Pilit naman ngumiti si Elmo at hinawakan ang mukha ng anak. "You're here. Are you okay?" Tanong nya dito.
Tumango naman ang bata at napayuko. "I am the one who supposed to be there kung hindi mo po kami tinulak ni Mommy. Daddy, I'm sorry." Naiiyak na sabi ni Jezreel.
Naalarma naman si Elmo. "Shh. Anak. It's alright. Di baleng si Daddy nalang ang masaktan. Wag lang kayo. Okay?" Sabi ni Elmo dito.
Napansin nya ang benda sa kamay ni Jezreel kaya napatingin si Elmo kay Julie.
Napaiwas naman ng tingin si Julie. "N..nabalian kasi sya sa lakas ng impact ng pagkakabagsak nya. P..pero..pero sabi naman ng doktor, ayos na sya." Paliwanag ni Julie.
Akmang tatayo sana si Elmo nang..
"J..jules." Kinakabahang tawag nya sa asawa.
"Bakit hindi ko maigalaw ang paa ko? Why can't I move!?" Gulantang na tanong ni Elmo.
Napaiyak naman na ng tuluyan si Julie nang makitang naguguluhan si Elmo.
"Daddy.."
"Julie. Bakit hindi ako makagalaw!?" Ulit ni Elmo.
Napatakip naman si Julie sa bibig nya.
"I..im sorry. Dapat hindi mo nalang kami niligtas.""Jules, diretsuhin mo na ko. Ano nangyayari?"
Hinawakan ni Julie sa balikat ang anak at muling nagsalita.
"H..hindi ka..hindi ka na daw makakalakad ulit sabi ng..doktor." Pag amin ni Julie habang umiiyak.
Napatulala naman si Elmo. "No! That's impossible! Hindi pwede!" Hindi matanggap ni Elmo na hindi na sya makakalakad pang muli.
Paano na sya babawi sa anak nya? Paano sya makikipaglaro dito? Paano nya makikilala ang anak nya ng mabuti.. kung hindi na sya makakalakad ulit.
"Tell me. This ain't real. Sabihin mo sakin na hindi totoo to. Please Julie, i'm begging you." Pagmamakaawa ni Elmo habang umaasa na sana namali lang si Julie nang pagkakasabi sakanya.
Napaiyak naman na din ng tuluyan si Jezreel habang tinitignan ang ama. "Daddy.." Sabi ng bata at sumampa sa higaan para yakapin ang ama.
Napaiyak nalang naman si Elmo at yumakap pabalik kay Jezreel.
"Hindi pwede to. Hindi pupwede to." Paulit ulit pero mahihinang sambit ni Elmo.
Wala na rin nagawa si Julie kundi yakapin ang mag ama nya.
Kailangan sya ni Elmo. Baliktarin nya man ang mundo ay mahal pa nya ito. Lokohin man nya ang isip nya. Pero ang puso nya ang nagsasabi ng totoo. Mahal nya pa rin si Elmo. Mahal na mahal.
"Everything will be fine.. magiging maayos din ang lahat, Elmo. I promise." Umiiyak na sabi ni Julie habang nakayakap sa dalawa.
--
"Elmo.." Tawag ni Pia sa anak.
Alam na nila ang katotohanan dahil sinabi na ito ni Julie at Justine.
Ngayon nandito sila sa ospital at hindi pa rin makalakad si Elmo.
"Ma.." Tugon ni Elmo.
Lumabas saglit si Julie para bumili ng makakain.
"Ma. Hindi pwedeng hindi na ko makakalakad. Ma, gusto kong kargahin ang anak ko. Gusto ko syang makalaro. Gusto ko syang mabuhat kung natutulog na sya. Ma. Paano ko gagawin yon?" Naiiyak na tanong ni Elmo.
BINABASA MO ANG
Law of Love
Fanfiction"Sa batas ng lupa, walang iibig ang hindi luluha." - Julie Anne San Jose Sa mundo kung saan bawat batas ay mahalaga. Kasama ba sa dapat mong ipaglaban ang pagmamahal? "Handa akong itaya lahat, wag ka lang mawala." - Elmo Moses Magalona