"Bakit ang babae. Ang tagal talaga kumilos?" Mahinang sabi ni Elmo sa sarili nya.
"May sinasabi ka?" Inis na sabi ni Julie kay Elmo.
Mahinang natawa naman si Elmo. Ang talas talaga ng pandinig ng asawa nya.
"Ang dami mo talagang naririnig." Natatawang sabi ni Elmo at hinila si Julie para kumandong sakanya.
Nandito sila sa hotel nila. Luckily, they've touched down safe at Russia at ngayon kasalukuyan silang nakacheck in sa Moscow.
It's already 9 pm at talagang masakit sa ulo ang jetlag.
"Ano iniisip mo?" Tanong ni Julie.
"Wala naman. Just..just the bar exam. Pagbalik natin. Bugbog nanaman tayo sa reviews." Sabi ni Elmo at niyakap pa si Julie.
"Relax lang. Andito tayo sa Moscow para mag enjoy. We have one week. Tapos 3 days sa St. Pete. Maganda don." Sabi ni Julie at sumiksik pa lalo kay Elmo.
Ngumiti si Elmo. "E ikaw ano iniisip mo?"
"Wala din. May hang over pa ko sa kasal natin eh. Kahit madalian lang. Sobrang ganda." Sabi ni Julie.
"Syempre. Papayag ba ko na hindi maganda yon? Hayaan mo sa kasal natin sa simbahan. Pag may ipon na ako. Mas maganda pa don." Sabi naman ni Elmo.
"Alam mo, okay na ko sa kasal natin na yon eh. Pero syempre, gusto ko naman maranasan ikasal sa simbahan no." Ani Julie na tumatawa.
"Of course, my love. Papakasalan kita kahit saang simbahan pa. Pero for now, isipin muna natin yung future babies natin. Hahaha." Pang aasar ni Elmo.
"Babies ka dyan?"
"Bakit? Ayaw mo?" Malungkot na sabi ni Elmo
"Hindi naman sa ayaw ko. I mean, ayaw ko pa."
Napakunot naman ang noo ni Elmo. "Huh? Why?" Tanong nito at nag umpisa nang iayos ang sarili sa kama. Itinaas din nya ang unan nya.
Napatingin si Julie sa kuko nya. "G..gusto ko kasi pagdating nya. Maayos na lahat eh. May trabaho na tayo at ipon." Sabi ni Julie.
Napangiti naman si Elmo dahil tense na tense ito magsalita.
Nakatingin pa rin si Julie sa kuko at hinihintay ang isasagot ni Elmo.
"G..galit ka ba?" Tanong pa nito.
Inangat naman ni Elmo ang mukha nya.
"Bakit sobrang planned ng utak mo? Tell me." Nakangiting sabi ni Elmo.
"H..hindi ka g..galit?"
Elmo chuckled before speaking. "Of course not. Katawan mo yan, babe. Yes, may karapatan na ko dyan..." Pabitin ni Elmo at nagtaas baba pa ng kilay.
Nakatikim naman sya ng kurot kay Julie. "A..aray! Babe naman! Ibig ko sabihin, katawan mo pa rin yan. Rerespetuhin ko kung ano man ang gusto mo. Ikaw ang magdadala sa anak natin. Kaya ayoko naman na masurprise ka. Diba?" Paliwanag ni Elmo.
Napangiti naman ng malawak si Julie at suminghot. "Nakakainis ka!" Sabi nito sabay palo.
"Aray naman. Napaka sadista mo talaga! Bakit nanaman?"
"E bakit kasi sobrang understanding mo. Lagi mo nalang iniintindi ang pag iinarte ko." Sabi ni Julie at suminghot pa.
"Mahal kita. Ganun ka simple." Sabi ni Elmo at kinabig si Julie para yakapin siya.
"Mahal din kita. Kahit na napakabwisit mo." Sabi ni Julie.
"Ouch naman. Nakakabwisit agad? O baka naman nakakakilig?" Tanong ni Elmo ng nakakaloko.
BINABASA MO ANG
Law of Love
Fanfiction"Sa batas ng lupa, walang iibig ang hindi luluha." - Julie Anne San Jose Sa mundo kung saan bawat batas ay mahalaga. Kasama ba sa dapat mong ipaglaban ang pagmamahal? "Handa akong itaya lahat, wag ka lang mawala." - Elmo Moses Magalona