Julie and Elmo are living together for two months. Dalawang buwan na silang magkasama at dalawang buwan na din syang nagttheraphy.
So far ay maayos naman ang theraphy. Unlike dati na hindi talaga sya nakakagalaw sa bandang paa. Ngayon ay nag improve na.
In two months that they're living together. Julie never fails to amaze Elmo every single day. But the thing is.. Julie didn't give Elmo any word that she already forgive him.
"Elmo. May pinapacheck si Mama na nahawakan mo daw ata na kaso. Nagpafile ata yung defendant sa court of appeal." Sabi ni Julie sa asawa habang nagkakape ito sa garden.
"Ha? Anong kaso daw?"
Nag shrugged lang naman si Julie. "Hindi ko alam. Basta sabi magcheck ka daw ng email." Sabi ni Julie dito.
"Ah sige. Don't tell me papahawakin nila ako ng kaso nang ganito kalagayan ko?"
"Hindi pwede." Mabilis na sabi ni Julie.
Unti unti na ngang nakakahakbang si Elmo tapos bibiglain pa.
"Si Jezreel?" Bago ni Elmo sa usapan. Napansin kasi nya na di lumalapit ang anak nya at di rin nya ito makita.
"Hindi ko alam. Nakita ko lang kanina nasa kwarto nya ah." Sabi ni Julie at luminga linga pa sa paligid.
"I'll check him sa pool." Sabi ni Julie at tumayo.
"Don't let him play there. Malalim yon Julie for him." Sabi ni Elmo at pinagsabihan pa si Julie.
Napatingin naman sakanya si Julie. "I didn't. Diba nga sabi ko nakita ko sya sa kwarto?"
Napaiwas nalang ng tingin si Elmo. "Puntahan mo na. Anong oras pala dating ng theraphist?"
"Baka daw 9 am pa." Sabi ni Julie at naglakad na para hanapin ang anak.
"Jezreel?" Tawag nya dito.
"Mommy!" Sigaw at lumapit kay Julie.
"Ikaw. You're hiding again. Daddy's worried sick kung saan ka nagsusuot."Ngumiti lang naman ang bata.
Habang nasa garden si Elmo at nakaupo. Tahimik nyang inalala kung ano ang meron sya four years ago with Julie.
"Julie?" Narinig nyang may tumawag mula sa main gate nila.
Dahil hindi sya makalakad ay sumigaw nalang sya.
"Pasok!" Sabi nya. Agad namang pumasok ang lalaki.
Bahagyang nagulat si Elmo kung sino ang nakita nya.
Ang lalaking tinatawag ni Jezreel ng 'Dada'.
"Ahmm. S..si J..jezreel?" Tanong nito sakanya na para bang nag aalangan pa.
Nakita nyang may hawak itong paperbag.
"E sabi nga ni daddy last night noong pinapatulog nya ko. Dream nyo daw po dati na baby girl ang una nyong baby eh." Sabay na napalingon ang dalawa nang marinig ang boses ni Jezreel.
Napatingin naman agad si Julie sa lalaking naghahanap sakanila.
"Ah.. Jules, someone's looking for you and.. and Jezreel." Sabi ni Elmo at nag iwas ng tingin.
"M..marlo. You're here." Sabi ni Julie at lumapit dito.
"Ah. I just pass by para ibigay to kay Jezreel. He's been dying to have it since nasa states pa tayo." Sabi nito at inabot kay Jezreel ang paperbag.
Napaiwas naman ng tingin si Elmo. Naiinis sya, hindi sya makaalis at malaya nyang nasasaksihan ang mga pangyayari sa kadahilanan na hindi sya makalakad.
BINABASA MO ANG
Law of Love
Fanfiction"Sa batas ng lupa, walang iibig ang hindi luluha." - Julie Anne San Jose Sa mundo kung saan bawat batas ay mahalaga. Kasama ba sa dapat mong ipaglaban ang pagmamahal? "Handa akong itaya lahat, wag ka lang mawala." - Elmo Moses Magalona