Chapter 1

4.4K 78 5
                                    

A/N : Oo na. Ako na ang feelingera. Ang kapal ng mukha ko gumawa ng bagong story lol.

-

"Best naman! Alam mo naman na birthday yon ni Jane. Sumama ka na please?" Pangungulit ng kaibigan ni Julie na si Maqui. Pareho silang law student at parehong last year na nila dito sa Adilet Law School.

"Ayoko talaga, Maqui eh." Daing ni Julie

"At bakit? Jules. It's an open party. We all need a break since finals na next next week."

"Exactly. Finals na. Don't you think that the best thing we need to do is to study?" Pagsasuggest ni Julie na siya namang ikinasimangot lalo ni Maqui.

"Puro nalang aral! Aral aral aral. Best, gusto mo bang magkaanak in the near future ng wala man lang maikkwento sakanya?!" Maqui replied.

"Maikukwento ko naman sakanya na ang mommy nya. Top 1 sa bar exam."
Pagmamayabang ni Julie

"Hala sige. Hello? Andyan po kaya si Elmo Moses Magalona na pumalit sayo sa pwesto mong number 1."

"Nang aasar ka ba?" Tanong ni Julie

"E kesa naiinis ka jan, umoo ka nalang kasi. Sumama ka na."

"Ewan ko sayo. Basta ako, ayoko talaga. Tsaka kesa yang party party na yan ang isipin mo. Basahin mo nalang to oh. Maganda to promise." Sabay pakita ni Julie ng libro na nahiram nya sa library.

"Sus. Kung kani-kaninong buhay nanaman yan." Sabi naman ni Maqui at nag roll eyes.

"Hay. Ewan ko sayo, Maq. Sige ha? Balik ko lang yung hiniram kong libro sa library nung isang araw." Turan ni Julie at tumayo na mula sa pagkakaupo sa upuan sa canteen.

"Hoy! Iiwan mo talaga ko?"

"Babalik ako promise."

"Sumama ka na kasiiii." Pamimilit pa ni Maqui. Agad nanamang umiling si Julie

"Ayoko talaga."

"Sige pag di ka sumama magwawala ako dito" Pananakot naman nito.

"E  di magwala ka." Confident na sabi ni Julie dahil alam nya na hindi gaanon ang bestfriend nya. Hindi nya ugali mag wala sa public.

Tumalikod na sya at akmang pahakbang palang sya nang..

"JOOOWLIE! PLEASE IM BEGGING YOUUU.. SUMAMA KA NA SAAKIN! PLEASE JULIEEEE." Pag hhysterical ni Maqui.

"Shh shh! Wag ka nga maingay jan." Saway naman ni Julie.

"E ayaw mo kasi ko samahan eh."

"Oo na! Sasama na kung sasama. Basta manahimik ka nalang jan. Okay?"

"Talaga?" Maqui said cheerfully.

"Unfortunately, yes."

"Waaah! Thank you bitchfriend! Promise, you'll enjoy this!"

"At mag eenjoy ka rin sa galit ko once na hindi ko matalo si Magalona sa finals at Bar Exam." Sabi nito at naglakad na palayo sakanya.

Dahil nakita ni Julie na sobrang dami ng tao sa library ay di na muna sya tumuloy.

"Bukas nalang siguro." Sabi nya sa sarili nya. Naglakad lakad sya at nakakita sya ng magandang tambayan. Sa ilalim ng puno.

Dali dali syang umupo don at nagbasa ng binabasa nyang libro kanina pa. Sobrang interesado kasi sya sa binabasa nya.

"Attorney San Jose!!"  Napalingon si Julie sa tumawag sakanya.

Pag minamalas ka nga naman oh, ang kinaiinisan ko pang si Elmo Magalona. Sabi ni Julie sa sarili nya.

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon