Chapter 14

1.9K 75 12
                                    

Magkasama si Julie at Elmo sa Mall. Unlike noong unang beses na magkasama sila na halos hindi makapgdikit. Ngayon naman ay parang pinagdikit sila ng rugby sa sobrang lapit sa isa't-isa.

"Babe." Tawag ni Elmo kay Julie. Humarap naman si Julie dito.

"Yep?"

Agad namang hinapit ni Elmo ang bewang ni Julie. "I love you." Bulong nito.

"I love you more." Natatawang tugon ni Julie and isinandal pa ang ulo sa dibdib ni Elmo. Nandito sila ngayon sa resto. Walang masyadong tao kaya nakaka PDA sila.

"Hindi ba masyadong mabilis?"

"Ang alin?" Takang tanong ni Elmo

"Itong saatin. Di ba kasi magkaaway tayo dati. Tapos ngayon, eto. We looked so lunatic." Sabi ni Julie na natatawa.

"Lunatic and Inlove." Dugtong naman ni Elmo at tinignan si Julie sa mata.

"Hmp! Ang corny mo talaga!" Kunwari pang tampo ni Julie. Umakbay naman si Elmo kay Julie.

"Mahal mo naman kaya ayos lang." sang ayon naman ni Elmo na ngayon ay natatawa na rin.

"Ganyan pala magmahal ang isang Elmo Magalona no?"

"Oo at hindi lang ganito. Malalaman mo yun sa mga susunod pang araw, buwan at taon." Tugon ni Elmo

"Araw? Buwan? Taon? Wala kang balak hiwalayan ako?"

"Ako? Wala. Wala na, Julie."
Ngumiti naman ng mahina si Julie pagkadinig nya ng mga salitang lumabas sa bibig ni Elmo.

"Baka maniwala ako ha."

"Talagang dapat maniwala ka. Mahal kita Julie Anne San Jose. Tagusan. Hindi ito joke o hindi ito kaso na dapat pa nating pagtalunan para maniwala ka."

"So ginagamit mo ang pagiging abogado mo saakin. Attorney Magalona?"

"Hahaha. Sort of, Attorney San Jose. Pero seriously, I can't believe it. Kala ko ang graduation at pagiging ganap na abogado na ang magpapasaya saakin. Akala ko rin gagraduate ako ng mag isa. Pero nagkamali ako, kasi ngayon. Kasama na kitang aabot ng mga pangarap ko. Alam ko hindi pa tayo official, Julie. Naiintindihan ko yon. Pero willing ako. Willing akong maghintay sa right time para masabi mo talaga saakin na binibigyan mo na ko ng rights d'yan sa buhay mo. Yung official rights. Hihintayin ko yun, Julie Anne."

"You will not wait for too long, Elmo. I promise you that." Sabi ni Julie at sumiksik pa kay Elmo.

Sa mga sinasabi ni Elmo ay unti unti nang napapatunayan ni Julie na mabuting tao ito at dapat nga nyang pagkatiwalaan. Masyadong mabilis? Wala eh. It's just happened.

--

Kinabukasan..

*Knock Knock

Nagkusot si Julie ng mata ng marinig ang katok na nagmumula sa pinto nya. Ginabi kasi sila ng uwi ni Elmo. Medyo napasarap ang kwentuhan nila. Mabuti na lamang ay may dala itong sasakyan at inihatid sya. Hindi pa rin sya makapaniwala hanggang ngayon na ganito na sila ni Elmo.

Itinali nya ang buhok nya at dumiretso agad sa pinto.

Pagkabukas nya ay..

"Good morning, babe!" Bati ni Elmo na may kagat kagat na roses at may hawak na kape.

Natawa naman si Julie. "Ang aga ah." Puna nya.

"Pwede papasok muna? Mainit kasi yung kape. Napapaso na ko." Biro ni Elmo at hindi na hinintay ang sagot ni Julie. Bagkus ay dumiretso na ito sa kusina nya at ibinaba ang kape.

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon