Chapter 1
Bitter teacher.
Inabot ni Chase ang kanyang telepono mula sa katabing lamesa at binuksan ito.
He was busy answering some questions and messages from random people hanggang sa makita niya ulit yung last chat nila. In-open niya yun.
You sent a photo
Easton Chase Anderson: psst :)
SeenKara Sabrina Santos: busy ako.
Easton: Sungit. -.-" nakita mo na ba yung sinend ko?
Kara: typing...
Kara: Seryoso ka? Okay ka lang?!
Easton: I am more than okay. Haha. Ano? Dali. Try lang natin. Wala akong magawa eh.
Kara: kunware tayo, we will act like boyfriend and girlfriend tapos kung sino unang ma-inlove, talo? Gago ka o gago ka lang talaga?
Easton: Uhmm.. both? Hahaha! Ano? Game ka?
Kara: Stop it. You're just bored. Wag mo kong gamitin. Siraulo ka.
Easton: Gwapong siraulo po. ;) Yes na yan ah. Bye! :*
Kara: Landi mo! ./.
Easton: tagal na ;) sayo lang naman ako nagseryoso.
Easton: Oh, wag umasa. Goodnight!
-
Hindi na matandaan pa ni Sabrina kung paano siya na papayag ni Chase na maging girlfriend niya. Alam niyang wala itong gusto sa kanya at wala rin naman siyang gusto dito.
Inisip na lamang niya na gusto lang niyang maranasan kung paano magka-boyfriend. Natatakot kasi ang mga manliligaw sa kanya dahil strikto ang mga magulang nito. At bilang mabait na anak ay hindi rin pumapayag si Sabrina na magpaligaw. Kaya hindi niya talaga alam kung bakit at papaano ba talaga naging sila ni Chase. Alam lang din niya na bored ito at walang magawa kaya't siya nalang ang pinag-tripan.
Pero dahil sa matagal na niyang kaibigan si Chase ay hindi niya pag-iisipan ng masama ito. Oo, may pagka-playboy ito pero sa pagkakaalam niya ay siya lang ang girlfriend nitong tumagal ng ilang buwan.
-
"Kara. Bakit ba kasi di nalang ako? Gwapo naman ako, mabait, may respeto, hindi nga lang matalino, pero bakit di mo ko magustuhan?" Pagpupumilit ni Eros kay Sab.
"Ano ba, Eros. Hindi. Ikaw. Yung. Tipo. Ko." Seryosong sagot ni Sabrina. "Kaya, pwede ba? Umalis alis ka sa harap ko kung ayaw mong masaktan."
Pero hindi pa rin tumigil si Eros sa halip ay hinawakan pa si Sab sa braso at hinarap sa kanya.
"Eros bitawan mo siya." Kalmado ngunit naiinis na sabi ni Chase na bigla na lamang sumulpot sa kung saan.
Dahan-dahang lumingon si Eros. "Pare..." sabi niya.
Sinamaan siya ng tingin ni Chase
Lumapit ito sa kanya at hinigit si Sabrina sabay lagay sa may likod niya.
"Anong ginagawa mo sa girlfriend ko?" Sabi niya, emphasizing the word, girlfriend.
"Kinakausap ko lang siya."
"Babe umupo ka na." Malambing na sabi niya kay Sab na sinunod naman kaagad ng dalaga.
Humarap si Chase kay Eros. "Next time na mag-uusap tayo siguraduhin mong nakapag-tooth brush ka na ha." At umupo siya sa tabi ng girlfriend niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/48596729-288-k170750.jpg)