Chapter 4
Concerned.
Pagkatapos ng klase ay agad kong pinuntahan si Sabrina sa room nila.
May date kasi kami ngayon. Sabi ko sa kanya, ay papasayahin ko siya ngayong araw.
Syempre, paraan ko na rin yun para malimutan niya ang mga problema niya sa bahay nila.
Naka-ngiti akong naghihintay sa labas ng building nila. Sabi nung iba ay limang minuto na ang nakakalipas simula nang mag-uwian sila Sabrina pero wala pa rin siya.
May ilang babae na rin ang nagpa-picture, nagpa-autograph at yumakap sa 'kin pero wala pa'rin si Sab.
Sa tantya ko ay isang oras na kong nandoon pero wala pa rin siya kaya naisip ko nalang na tawagan siya.
Pagkatapos ng ilang ring ay may sumagot.
Pero laking gulat ko dahil boses lalaki ito.
"Hello?"
"Sino to? Bakit hawak mo ang cellphone ng girlfriend ko?" Inis kong tanong pero bigla na lang niya akong binabaan.
"Hello?!" Pag-subok ko ulit pero wala na talaga.
Pakshet. Sa sobrang inis ko ay umalis na lang ako ng building nila Sabrina at dumiretso sa park, hindi kalayuan sa school namin. Baka nandun siya. Minsan kasi nagpupunta kami dun para magkita.
At dito din ako palaging nagpupunta kapag gusto kong mag-isa.
Kapag wala akong magawa.
Kapag gulong-gulo ako sa buhay ko.
At kapag inis na inis ako.
Sandali nga, bakit ba ko naiinis? Eh pwede namang gawin ni Sabrina ang gusto niya. Karapatan naman niyang gawin yung mga bagay na magpapasaya sa kanya.
Kinuha ko nalang ang cellphone ko. Pero napatigil ako sa nakita kong lockscreen.
Umiling nalang ako bago ito ini-slide para i-unlock at dinial ang number ni Sabrina.
Pero naka-ilang ring na at wala paring sumasagot.
"Nasaan ka ba? Sumagot ka naman please."
Sinubukan ko ulit na tawagan siya pero cannot be reached na. Di ko maiwasang hindi mag-alala sa kanya.
Umupo ako sa may swing. Dala ko ang headphones ko sakaling baka mag-intay nga ko ng ilang oras.
Inilagay ko iyon sa tenga ko at nakinig ng mga kanta. Sinandal ko ang ulo ko sa may bakal katabi ng swing na inuupuan ko ngayon.
Papikit na sana ako ng bigla kong maaninag si Sab.
Sabi na nga ba, andito siya eh.
Dahan-dahan kong ibinaba ang headphones ko sa may leeg ko.