Sabog ako nung nasulat ko to. HAHAHAHA
Tip: wag nyo masyadong bilisan pagbabasa hehehehe.
--------
Chapter 12
Clearing things.
Kanina pa kami pa-ikot ikot ni Sabrina dito sa may sementeryo.
Hay nako!
Nakalimutan niya daw kasi kung saan ba daw yung puntod nung kamag-anak nila.
"Huy Sab, saglit nga muna." Sabi ko sa kanya at umupo sa isang tabi.
Hinihingal na kasi ako. Hindi ko pa naman dala yung inhaler ko. Naiwan ko kasi sa kotse.
Tumabi muna siya sa'kin. "Ay peste! Bakit ko ba kasi nakalimutan kung saan yun!?" Inis na sabi niya.
Tinignan niya 'ko. "Oh, what's with the face?"
Hindi ako nakasagot. Leche di ako maka-hinga ng maayos.
Pagod na rin kasi ako.. pero, di bale na. Wala lang to.
Inhale.... exhal-- P*TA!
"PAKSHET, SAB! BAKIT MO KO HINAMPAS SA LIKOD?" Sigaw ko habang hawak-hawak yung dibdib ko.
"Ay hehe. Sorry." Nag-peace sign siya. "Di ka kasi sumasagot eh."
Umirap nalang ako. "May hika kasi ako.." mahina kong sabi pero narinig niya yata.
"HALA, ANO? WENGYA KA BAKIT HINDI MO SINABI AGAD?" Sigaw niya rin kaya napa-takip nalang ako sa tenga.
Hay, ang ingay!
Nakalunok yata to ng microphone eh!
Eh bawal pa naman sumigaw dito sa sementeryo.
"Shh!" Suway sa'min nung naglilinis. "Pag nagising yung mga patay, lagot kayo."
Luh, nanakot pa. Sige lang kuya, lagot ka rin.
Hindi nalang namin siya pinansin. "Eh bakit, Sab? Pag sinabi ko ba sa'yo.... may magagawa ka?" Hinihingal kong tanong.
"Ah eh..... wala."
"Oh wala pala eh. Shut up ka nalang."
Pumikit muna ako sandali bago huminga ng malalim.
"Hala, Chase..... Naku, ano ba pwede kong gawin talaga? Kung meron man?" Tanong niya habang hinahagod yung likod ko.
"Kiss mo 'ko." Sabi ko naman sabay nguso.
Bigla naman niyang piningot tenga ko. "A-aray ko!"
"Yan! D'yan ka magaling! Puro ka nalang halik! Napaka--"
*chup*
"LECHE KA! BAKIT MO KO HINALIKAN?!"
HAHAHAHAHAHA.
Sangoku na si Sab.
"Kulit mo kasi. Oh pano na? Okay na ko. Hanapin na natin yung kamag-anak niyo."
Inirapan niya ko bago siya tumayo.
Hindi niya ko pinansin.
"Saaab! Huwaaaaiiit!"
"Ingay mo!" Sabi niya.
Hinabol ko siya tapos inakbayan. "Bakit ka ba nagagalit?"
"Kasi nanghahalik ka! Bwisit." Tapos siniko niya ko sa tagiliran.
"Aw!" Sabi ko. "OA naman nito, sa pisngi ka lang naman hinalikan!"
"Ugh! Kahit na!"
Natatawa nalang akong umakbay ulit sa kanya. "Oh edi sorry na po! Wag ka na pong magalit. Hehe."