Chapter 5
Liar
Pagkagising ko kina-umagahan ay naligo kaagad ako at kumain.
Pinakuha ko na rin ang kotse ko sa driver namin at pinaayos agad ito.
Maaga pa naman at 10 am pa kami aalis ni Sab.
Speaking of her, tinext ko na siya at sinabihang gumising na. Tulog mantika yun eh.
Pababa ako ng hagdan nang maka-salubong ko si Alexis.
"Oh, aga mo naman yata nagising?" Tanong ko habang inaantay siyang bumaba para sabay na kami.
Pero hindi naman niya pinansin ang tanong ko. "Uya yaan ta punta?" Tanong naman niya at humawak sa damit ko.
Ngumiti ako. "I'm going out with your ate Sab."
"Weally? Ales yama." Umupo siya sa upuan sa dining room at ininom yung gatas niya.
"No, Alex can't go. Kuya will give you pasalubong nalang ha?" Sabi ko at tinabihan siya para maka-kain na rin muna.
She pouted. "Ales wanna chee ate Sabby."
Ginulo ko buhok niya. "Okay. I will bring ate Sab here later." At nag-simula na rin kaming kumain.
Habang kumakain ako, ay lumilipad nanaman ang utak ko.
Kung ano-ano yung iniimagine ko. Parang gago lang.
"Sir Chase! Okay na po ang kotse niyo." Rinig kong sabi sa akin ni Manong Roman. Yung driver namin.
Eksakto dahil kakatapos ko nalang rin kumain. Uminom muna ako ng tubig saka naglakad palabas.
"Sige po salamat!" Isinuot ko ang shades ko bago ako lumapit sa kanya.
"Ingat po." Sabi pa ni manong bago ako maka-sakay sa kotse ko.
Ngumiti nalang ako sa kanya at saka pinaharurot ang kotse ko papunta sa subdivision nila Sabrina.
Pagdating ko ay nagulat ako dahil may kotseng naka-parada doon.
Hindi muna ako lumapit sa bahay nila. Ini-atras ko ng kaunti ang ranger ko para hindi nila ako masyadong makita sakaling lumabas man si Sab o kung sino pa man.
May isang lalaki ang bumaba sa kotse.
Yung kapatid ko.
Kumatok ito sa bahay nila Sab habang naka-ngiti. Agad na lumabas si Sabrina mula sa kanila at hinawakan naman siya ng kapatid ko sa bewang.
Pinagbuksan pa siya nito ng pinto sa kotse bago sila umalis.
Kung nakakamatay lang ang titig, malamang, patay na sila parehas.
Hindi ko napansin na sobrang diin na pala ng pagkakahawak ko sa manibela.
Mukhang may date pa sila.
Nakakahiya naman kung mang-iistorbo ako diba? Ini-atras ko pa lalo ang kotse ko bago napag-desisyunang umalis nalang ng lugar na iyon.
Laro lang 'to, Chase. Laro lang. Wag mong sineseryoso.
Kinuha ko nalang ang cellphone ko at dinial ang phone number niya.
Sasabihin ko nalang na hindi tuloy.
Nag-ring ito ng ilang beses at sinagot niya rin.
"Hello? East?"
"Sab..." Lumunok ako para umayos ang boses ko at hindi mukhang nalulungkot. Pinanatili kong kalmado ang sarili ko. "Nasaan ka?"
