PROLOGUE

149 9 2
                                        

"Sabrinaaa... gutom na ko." Bulong ni Chase sa girlfriend niya.

"Ano ba, edi kumain ka!" Sigaw naman nito pero pabulong rin.

Natawa ng mahina ang binata dahil sa inasta ng gf niya. Napaka-cute nito.

"Sabay tayo baby..." paglalandi pa niya.

"Kingina, Chase. Tigil tigilan mo ko." Sabi ni Sabrina habang inaayos yung bag niya.

Natahimik si Chase dahil na-iba ang tawag nito sa kanya. Naka-sanayan na niya kasing tawagin siya nitong 'Easton', dahil iyon naman ang first name niya.

Nag-pout si Chase. Halatang nagpapapansin ito.

Tumingin naman sa kanya si Sabrina at umirap. "Ang pangit mo." Sabi niya.

"Uy! Ang ganda mo ha."

"Oo. Kaya mo nga ako nagustuhan, diba?"

Ngumisi ang lalaki. "Kapal mo, mana sakin. Hahaha!"

"Ehem, seryoso. Tandaan mo yung usapan natin ha." Pagpapa-alala ni Chase. Pero pansin niya na naka-tungo lang ang dalaga at may ginagawa na kung ano sa bag nito.

"Oy!"

Tumingin naman siya sa katabi. "Ano?!"

"Yung usapan natin baka nakakalimutan mo. Kung sino yung--"

"Ano ba, feel na feel ko na nga pinapamukha mo pang game lang natin to." Sabay tawa nito.

Napa-ngiti ang lalaki ng marinig ang tawa ng babae. Para bang isa iyong musika sa kanyang pandinig. Napa-iling nalang si Chase sa isip niya. Weirdo.

Tumayo si Sabrina kaaya tumayo rin si Chase at inakbayan siya. "Aray... ang bigat." Reklamo ng dalaga.

Tinawanan lang naman siya ng boyfriend niya. "Sorry babe."

Dumiretso ang dalawa sa canteen at na-upo kasama ng barkada nila.

"Oh ayan na yung lovebirds!!!" Tili ni Cindy. Ang pinaka-bata sa kanilang magkakaibigan. Pinaka-bata pero kung umasta parang mas matanda pa sa kanila.

Natawa nalang ang mag-syota bago na-upo.

"Pre!" Bati ni Chase sa mga kaibigan niyang lalaki.

Hindi na siya nag-abala pang alalayan sa pag-upo ang gf niya. Casual na umupo nalang ito sa kanyang tabi at kumain. Ipinag-bili na kasi sila ng mga kaibigan nila nang sa gayon ay kumain nalang kaagad ang dalawa.

"Oh kumain ka na, kanina ka pa gutom, diba?" Sabi sa kanya ni Sabrina.

Napa-ngiti na lamang siya. Magsasalita na dapat siya pero naunahan siya ng mga kaibigan niya.

"Naks ang sweet. Haha!" Nang-aasar na sabi ni Cindy.

"Tse!" Irap naman ni Sabrina.

"Nag level-up na pala relasyon niyo? Hahaha di kami informed!" Sabi ni Jom habang puno pa ng pagkain ang bunganga nito.

"Manners!" Suway naman ni Debby. Ang akala nilang tomboy sa barkada nila. Paano ba naman kasi, parang lalaking manamit pero sobrang ganda. Maraming nanliligaw pero wala siyang balak sagutin ang isa doon. Marahil ay baka kaparehas na kasarian ang gusto nito.

"Parang kailan lang nag-aaway pa kayo ah. Sweet naman pre." Chris. Ang adviser sa grupo nila. Pero wala pang experience sa pag-ibig.

"Walang forever mga pakyu." Adrian. Ang pinaka-bitter at pinaka-seryoso sa buhay. Medyo matalino. Maganda ang boses nito kung kaya't kinukuha ng ilang banda sa kanilang eskwelahan pero ayaw niya. May pagka-anti social rin kasi ito.

"Manahimik nga kayo." Seryosong saad ni Chase.

"Opo boss." Sabay-sabay na tugon ng mga kaibigan niya at nanahimik.

Kumain nalang sila pero hindi tahimik. Asa pa, puro madadaldal ang mga ito.

"May gagawin ka ba mamaya?" Tanong ni Chase kay Sabrina.

"Hmm. Wala naman. Bakit?"

"Gala tayo."

"Yoko. Hahaha. Sa susunod nalang."

"Iiwan mo ko?"

"Anong iiwan? Sinong nagsabing iiwan kita?"

Yung puso ko. Yun yung nagsabi. Isip ni Chase.

All I Want {KN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon