Chapter 6
Confused
"Next po!" Sabi nung naga-assist sa wheel of fate.
Napangiti ako dahil sa number na natapat sa amin.
25.
"Bakit?" Tanong sa akin ni Sab nung mapansin niya sigurong naka-ngiti ako.
"Jersey number ko oh. Haha 25. Lika na."
Pagka-ayos namin ng upo ay tinanong niya kaagad ako.
"Ba't ba 25?"
Nawala ang ngiti ko sa tanong niya. Ay oo nga pala, wala lang yon sa amin.
Hindi ko alam kung bakit nga ba 25 pa ang pinili kong numero. Pero ang alam kong dahilan nun, May 25 nung naging kami ni Sabrina.
"Paboritong number ko lang." Sabay ngumiti ako sa kanya.
"Ahh."
At tumahimik na ang paligid.
"Ang kulit talaga nila ano?"
"Nino?" Kunot-noo kong tanong.
"Nila Jom. Hahaha. Para talaga silang mga bata."
"Ah oo. Hahahaha. Lalo na yung si Chris. Natandaan ko noon pumapatol pa sa bata yon. Parang gago."
Tumawa nalang din siya. "Pang-ilang kwento mo na yan sakin."
"Ay ganun ba? Hahaha. Di kasi ako maka-move on kaagad eh."
"Matagal kang mag-move on. Halata naman."
Ngumiti ako. Totoo yun.
"East.."
"Hmm?"
"Paano kung ma-inlove ako sa ib--"
Biglang umuga yung sinasakyan namin at napa-usog si Sab papalapit sa'kin. Napa-kapit pa siya sa damit ko.
"Takot ka sa heights?" Tanong ko sa kanya nang mapansing napa-pikit siya nung nasa tuktok na kami.
Tumango siya.
"Uy dilat ka na." At tinapik ko yung pisngi niya. "Wag ka ng matakot."
Unti-unting lumuwag ang hawak niya sa damit ko at huminga siya. "Hooooo. Ano next na sasakyan natin?"
"Hindi ko alam. Ikaw ba?"
"Uhmm.. Alam ko na! Space shuttle tayo. Gustung-gusto kong sakyan yon!"
Bigla naman akong kinabahan dun at napa-lunok nalang.
"Sigurado ka?"
"Oo." Tumawa siya. "Wag mo sabihing natatakot ka..." Panunukso pa niya.
"Tsk. Ako? Takot? Psh. Di 'no."
"Sige sabi mo eh. Space shuttle ah?"
Tumango ako. "Oo, oo."
Bumaba na kami sa ferris wheel at naglakad na papunta sa space shuttle.
Habang naglalakad kami ay naka-cling ang braso niya sa akin. "Ano nga pala yung sasabihin mo kanina?" Tanong ko.
"Ah, wala. Kalimutan mo na yun." Sabi nalang niya. "Ay walang pila oh." at ngumiti siya habang tinuturo yung nasa loob ng space shuttle.
Napa-lunok ako dun. Mas dumoble yata yung kaba ko nung umupo na kami.
"Uy kabado."
Jusko, paaaaano?!
Unang beses ko palang sasakay sa space shuttle sa buong buhay ko. Ayoko kasing sumakay dito pakiramdam ko kasi mamamatay kaagad ako.