Chapter 19
Ruined.
Natapos din ang sobrang habang byahe at narating din namin ang isang malaking isla dito sa Palauig.
Para kang nasa paraiso, kumbaga. Kitang-kita mula sa kinatatayuan ko ang pagbaba ng araw. Ang pagtama nito sa dagat.
"Wow." Tanging nasabi ni Chris. "Ang lupit naman ng lugar na 'to, Jom!"
Kita kong napa-ngisi ang tropa ko. "Oo nga eh," tinignan niya kami at halos lahat ay nakatingin na sa dagat. "Oh, baka mamaya magsi-ligo na kayo kaagad ah. Hahahaha! Puntahan muna natin yung room nang maka-gayak na kayo."
Nagsi-tanguan naman kami lahat at naglakad papasok sa loob ng resort.
Mukhang magsisimula na rin mamaya ang party dahil nakita rin namin na ayos na kaagad ang nasa baba. May mga chairs at tables, karaoke at kung ano-ano pa. Tanging mga pagkain nalang ang kulang.
Pero nagtataka ako kung bakit pambata ang tema.
"Jom, ilang taon na ba erpats mo?" Natatawang tanong ni Adrian. "Ben 10? HAHAHAHA!"
"Ulol." Siniko niya ito. "..hehe. Hindi birthday ng daddy ko."
Nabatukan siya bigla ni Adrian. "Tapos lakas ng loob mong imbitahin kami dito imbes na tinatapos namin thesis namin?! Tapos wala palang mahalaga---mhhmmmff-" Tinakpan ko ang bibig niya.
"Kalma, pre. Iwanan mo yang college stuffs sa Maynila. Okay? Nandito tayo para magpakasaya."
Tumango si Chris. "Oo nga. Saka, okay lang din naman na walang party. Ano ba problema dun?"
"Ay siguro may dala kang dress 'no?!" Pang-aasar ko.
"May dala ka pang two piece!" Dugtong ni Chris sabay tawa ng malakas.
"Ang corny niyo." Sabi ni Adrian.
Kanina pa tahimik ang mga babae. Siguro napagod sila sa sobrang haba ng byahe na halos ikapanis na ng laway nila. Ewan ko kung bakit ayaw nilang mag-usap.
Nung nasa loob kami ng kotse, kung hindi tulog ang isa, yung iba naman ay naka-tungo at pindot ng pindot sa cellphone.
Kala mo naman may katext. Sus.
Nakapag-usap na rin kami ni Adrian at naayos ang sa amin. Syempre, ang tunay na magkaibigan dapat may patawaran. Dapat marunong intindihin ang side ng bawat isa.
Naiintindihan ko naman si Adrian eh. Ayaw niya lang akong masaktan ni Sabrina. Alam ko. Kasi alam kong nakikita rin nilang madalas na nagkakasama yung kapatid ko pati si Sab.
Ayokong tanungin si Sabrina tungkol doon.
Dahil natatakot akong malaman kung ano yung totoong dahilan o rason. Okay na siguro ako sa ganitong puro kasinungalingan lang yung nasa paligid ko. Natatakot ako dahil baka tama nga ang sinasabi ni Adrian.
"Anyway, kung nagugutom kayo, pwede kayong kumain d'yan." At tinuro niya ang isang maliit na restobar. Napansin kami nung isang waiter at chef kaya nginitian niya si Jom. "Hi Chef!" Bati ng kaibigan ko saka kami umakyat.
"Dun kayo magpaluto. Hahaha, sabihin niyo nalang bisita ko kayo."
"Ah okay." Sabi ni Adrian.
"Di wow." Ani Chris.
Pagkasabi niyang yun ay may lumapit sa aming isang babae na halatang receptionist.
"Sir Jom, okay na po ang rooms ninyo. Ito po yung keys." Aniya.
Tinignan niya kami at ngumiti.
"Thank you, Jen." sabi ni Jom.
Sinundan namin siya. Nasa ikalawang palapag ang room namin. Magkatabi lang ang sa'ming mga lalaki at sa babae.