Chapter 17

49 2 1
                                    

Chapter 17

Want.

Iniwan niya ko.

Mas pinili pa niyang sumama dun sa epal kong kapatid.

Oo, narinig ko.

At mukhang kailangang-kailangan siya nun.

Eh ako ba... naisip kaya niyang kailangan ko rin siya?

Okay, nevermind.

Wala sa sariling inilatag ko ang tela sa damuhan at na-upo.

Kinuha ko ang basket at kumuha ng isang mansanas.

Pinunasan ko muna ito bago ako kumagat.

Bakit ganun?

Sobrang unfair ng buhay.

Sa tuwing nandyan ang dakilang epal, ginagampanan ang papel niyang umepal sa relasyon namin ni Sab.. pakiramdam ko palagi nalang akong talo.

Pag nandyan ang kapatid ko, hindi ko magawang ma-ipaglaban ang nararamdaman ko.

Nanliliit ako.

Wala akong maipagmalaki sa kanya. Sa kanila.

Sino nga ba 'ko?

Ako lang naman si Chase ang dakilang anak sa labas.

Ang pinaka-walang kwentang tao sa mata ni Jerome.

Ang pinaka-masama sa paningin ng tao.

Hanggang kailan ba to mangyayari?

Hanggang kailan ba ko magiging anak lang sa labas at sa paningin ng iba ay wala ng ginawang tama?

"Papakamatay na ko." Bulong ko.

"Ay joke wag pala muna." Tumawa ako kahit mukha akong tanga. "Mamahalin pa 'ko ni Sabrina. Tiwala lang."

--

Ibinagsak ko ang sarili sa sofa at binuksan ang tv.

Nandito ako ngayon sa condo ko.

Di ko feel ang umuwi sa bahay.

Nag-out of town kasi si mama.

Edi wala akong kasama dun..

Wala yung makulit kong kapatid na sa tuwing darating ako sa bahay eh sasalubungin ako ng napaka-higpit na yakap.

Shet.

Namimiss ko si Alexis.

Kamusta na kaya yon?

Wala na kaming balita sa kanila ng walang kwenta niyang ama.

Parehas sila ni Jerome.

Pinagkaiba lang mas mahal ni Miguel ang anak niya.

Eh ako?

Pinabayaan ako ng tatay ko. Binubugbog pa nga.

Ang laki talaga ng galit nung gago na yun sa'kin.

Pinagbibintangan ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa.

Hindi ko din naman yun ginusto eh.

Tsk.

Bakit ko ba iniisip yun?

Nakalipas na yon.

Oo tama, hayaan ko nalang.

Nakakagago kapag iniisip mo parin yung nangyari noon diba?

All I Want {KN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon