Chapter 2
Bros.
Fernwood Gardens
"Pa!" Bati ni Kevin habang naglalakad papalapit kay papa.
"Nak." Ngiting bati ni papa at bumaling sakin, "Chase."
Nak tapos Chase? Aba ayos ah.
"Hello po." Sabi ko nalang.
"What are you doing he--" hindi na natuloy pa ni papa ang sasabihin niya ng magsalita si Kevin.
"Ge! Pa. Upo na kami ha." Sabi niya at hinila ako papunta sa mga upuan.
Nanatili naman akong tahimik at walang pake.
Kahit kung tutuusin, halos sumabog na ko sa sobrang dami ng mga iniisip ko.
Ganito nanaman ba? Hindi nanaman niya ba ako ituturing na anak? Ikakahiya nanaman ba niya ko porket anak lang ako sa labas? Hindi naman kami mahirap gaya ng inaakala niya eh.
May kaya naman kami. Nabibili ko ang mga bagay na gusto ko. Nakapag-aaral ako sa isang magandang eskwelahan. Ano pa? Ano pang idadahilan niya para ikahiya ako bilang anak niya?
Natigil ang pag-iisip ko ng tapikin ako ni Kevin sa balikat. "Ayos ka lang, bro?"
Ngumiti ako bilang sagot.
Ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa may stage. At nagulat ako sa isang magandang babaeng lumabas.
Naka-fitted dress ito na kulay puti at naka-pony tail ang buhok pero lumilitaw ang kagandahan at nagniningning ang mga alahas na nakalagay sa kanya.
Tumagal ng ilang minuto bago ko nakilala kung sino iyon.
"Sabrina?" Yung girlfriend ko.
Naka-ngiti ito habang naglalakad paalis ng stage.
Nakatitig lang ako sa kanya. Sa bawat kilos niya at hindi ko manlang napansin na nasa harap ko na siya.
"East?"
"Uy, b-- Sab! Nandito ka rin?" Tanong ko.
"Actually, mga magulang ko yung na-organize nitong party na to. Wait, ikaw? Sino kasama mo?"
Tumalikod ako at tinuro yung kapatid ko. "Si Kev."
"Nakita mo naman siya kanina diba? Yung bagong lipat sa section natin at yung kasama natin sa labas." Bulong ko.
Tumango siya habang naka-tingin kay Kevin. "Oo."
Ngumiti si Kevin dito. "Hello." Bati niya.
Pansin ko naman na tumaas ang gilid ng labi ng girlfriend ko. "Hi." Sabi niya.
Napaatras ako saglit at napataas ng kilay ko. Ano to? Landian? Sa harapan ko pa talaga? Tss.
Inis nalang akong umupo ulit at hinayaang umupo si Sab sa tabi ng kapatid ko.
At hindi ako makapaniwalang hinahayaan ko silang mag-usap.
Aba, nandito yung boyfriend oh. Respeto naman.
Nagkunwari akong inuubo para matigil sila. Pero deputa hindi man lang nila ko napansin.
Hindi ko na tuloy mabilang kung ilang beses na kong napapa-irap sa kawalan.
Ganyanan pala, Sabrina ah. Tignan lang natin.
Biglang may lumapit sa aking random girl na halatang kinikilig.
Uh, what?
"Omg! Ikaw si Chase Anderson diba? Yung mvp nung last game? Omg! Sobrang fan mo ko as in, omg talaga!!! Pwede magpa-picture? Oh my gosh!!"
Tangina naka-ilang omg si ati.
"Ah, sure sure." Sabi ko nalang at inakbayan siya at saka ngumiti sa camera.
"Gosh! Ang gwapo mo talaga!" Sabi niya na halatang kilig na kilig na gusto na siguro akong sakmalin. Joke.
Awkward nalang akong ngumiti. "Hehe."
"Pwede last na?" Tanong niya ulit.
"Ano yun?" Kahit medyo nakukulitan na ko dahil ang OA niya eh ayaw ko naman magmukhang masama.
"Uhmm. Pwedeng...."
"Pwedeng?"
"Pwedeng pa-kiss?" Namumula niyang sabi.
Nanlaki naman ang mata ko sa pagiging straight-forward niya. Tangina, sobrang gwapo ko na ba talaga?
Hindi pa man ako nakakasagot ay nahalikan na niya ko..........
......sa pisngi.
"Hoy miss ibalik mo yung ninakaw mo!"
Pero hindi ko nasabi yan. Natameme ako bigla. Nagulat ako eh. Pero wala naman akong nararamdaman na kahit ano.
Kung meron man, tuwa siguro. Natutuwa ako dahil sa masamang tingin sakin ngayon ni Sab.
Finally, napansin niya rin ako!
Inirapan ako ni Sabrina bago siya bumaling kay Kevin, "Mauna na ko, see you around, Kevin." At saka siya tumayo para umalis.
Akala ko ay magpapaalam rin siya sakin pero bigla niyang inapakan niya ang paa ko. "Ah! aray!" Sabi ko habang hinihimas yung inapakan niya.
Ano problema non?! Tss.
Napa-irap nalang ako sa ginawa niya.
"Oh ayos ka lang bro?" Tanong ni Kevin sa akin. "Ah, oo. Ayos lang." Umayos ako ng upo at ngumiti nalang na parang walang nangyari.
"Girlfriend mo yung kanina diba?"
Oo, at tangina sakin lang siya.
Tumango nalang ako bilang sagot.
"Pahiram muna ako for a week." Napatingin ako bigla sa kanya. Akala ko wala ng mas siraulo pa sakin. Siya pa pala.
Tinitigan ko si Kevin. "Kingina mo." Bigla nalang lumabas sa bibig ko.
"Hahaha! Joke lang naman." Sabi niya.
At parang bumalik rin ako sa sarili ko. Bakit ba? Bakit ba ko nagseselos sa kanila kanina?!
Hindi. Hindi pwede. Hindi pwedeng ako ang talo sa laro namin ni Sab.
