Chapter 9
All my friends
Kanina pa ko ginugulo nung tatlo pero hindi ko sila pinapansin.
Jom: "HOY MAGSALITA KA NA KASI!"
Chris: "Kaya nga! Pipi ka ba?"
Adrian: "Bakit ka ba kasi pumayag halikan nung isang babae?"
"Mga brad..." Dudugtungan ko pa ang sasabihin ko pero inunahan nila ko.
"Ayun! Nagsalita ka rin!" Sabi ni Jom na napa-hampas pa ng kaunti sa table.
"Ano? Masarap ba humalik pare?" Agad ko namang nabatukan si Chris sa sinabi niya.
"Gago. Pagsalitain niyo muna kasi ako."
May isa kasing babae ang bigla nalang akong hinalikan kanina.
At ang nakakainis pa, nakita yon ni Sab pero natawa pa siya.
Nagulat ako sa ginawa nung babae. Kahit sa pisngi ko lang yon, nakakainis pa rin.
Yung hindi ko lang talaga gusto, eh yung tumawa pa si Sabrina.
Kinuwento ko yon dito sa tatlong ugok. Natawa rin sila kaya mas lalo akong nainis.
"Ah, alam ko na yan pre." Panimula ni Jom kaya ako napatingin sa kanya.
"Ano?"
"May panibago kasing pakulo yung org nila Kara. Once na halimbawang may ma-apakan kang malaking bilog, biglang may hahalik sayo. Hindi mo mapapansin kasi, naka-chalk yung drawing eh. Malas mo, hindi si Kara ang natapat sayo."
Napa-kunot noo naman ako. "Tsk. Ang dami nilang alam. Eh bakit pa siya tumawa?"
"I don't know! Baka kasi.."
"Baka planado nila." Singit ni Chris.
Si Adrian naman ay nanatiling tahimik habang nakikinig sa'min.
"Planado? Paano nangyari?"
"Eh kasi diba, org nga nila nagpasimula ng ganung pakulo. So kaya siguro natawa si Kara kasi of all people, ikaw pa yung nabiktima nung babae'ng yun at hindi ka natapat sa kanya. Siguro kasi nadaanan mo lang siya at hindi ka napatigil sa harapan niya." Sabi ni Chris.
Tumawa naman si Jom. "Ayos brad! Utak babae ka talaga. Buti tinanggap ka pa namin sa tropa! HAHAHA."
Inulan naman siya ni Chris ng mura sa sinabi niya.
Umiling nalang ako bago tumayo. "Alis muna ko ah."
"Saan punta mo?" Tanong nila.
"Mag-iikot ikot lang."
"Sama kami!"
Napa-kamot nalang ako sa ulo ko bago kami nag-simulang mag-ikot ikot.
Maraming booths ang pinuntahan namin. Enjoy na enjoy naman yung tatlong kasama ko.
Mayroon yung Dart Booth, History Booth, Jail Booth, Movie Booth, Math Booth, Sleep Booth, Videoke Booth, Candy Booth at mayroon ding Kissing Booth.
Naka-sunod lang naman ako kung saan pumupunta yung tatlo. Kaya nga sila lang yung nag-eenjoy eh.
Nagulat nalang ako dahil napadpad kami sa kissing booth.
Langya, ang daming malalandi sa paligid. Tsk tsk.
Nawala bigla yung sina Chris at Jom pati si Addy, well si Adrian ay kanina pa nawawala. Iniwan namin sa Movie Booth.
Masyado siyang nawili sa pinapanood niya eh. Harry Potter yung palabas. Actually, pangatlo na siguro yun kasi kanina pang umaga yun nag-bukas.