Unedited.
Chapter 10
People from the past.
"Nasaan si Miguel?" Tanong ko sa mama ko, referring to Alexis' father, habang kumakain kami ng almusal.
"Hiwalay na kami." Kaswal na sabi ni mama.
Napa-awang naman ang bibig ko dun.
Ngayong araw na nga lang siya nagpa-late na pumunta sa trabaho niya pero ito pa ang ibabalita sa'kin.
"Ha? bakit?" Naguguluhan ko namang tanong.
Ayoko kasing matulad yung kapatid ko sakin na malayo sa ama.
"Anak, hindi na iyon dapat pang i-kwento. Sasabihin ko naman na kay Alex mamaya pagbaba niya. Now, finish your food first." Sabi pa niya ulit habang kumakain.
"Oh come on, ma. Sa tingin mo ba matutuwa si Alex sa sasabihin mo sa kanya?"
"Alam kong hindi, 'nak. Pero hindi ko naman siya ilalayo sa tatay niya."
Naaawa ako para sa kapatid ko. At the same time, naaawa rin ako sa mama ko.
Napa-tungo nalang ako bago sinubo yung kanin.
This is the second time na nasaktan ang puso niya sa maling lalaki. Alam ko namang lahat ng naging asawa o boyfriend ni mama, minahal niya ng totoo eh. Yun nga lang, hindi naman siya minahal ng totoo.
Kahit man ganyan lang mag salita si mama, na parang wala lang, alam kong masakit sa kanya yan.
"Tapos na ho ako." Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang table napkin bago tumayo at lumapit kay mama.
"I'm always here for you, ma. Sawi ka man sa dalawang gagong lalaki, nandito naman ang gwapo mong anak para mahalin ka palagi. Hindi naman ako gago katulad ng iba." Pagbibiro ko bago humalik sa noo niya.
Natatawa si mama habang nagsasalita. "Bolero ka 'nak. Mana ka talaga sa tatay mo, nako, siguro marami ka ring babaeng mapipingot sa pagiging bolero mo." Sabay halakhak niya.
Napa-simangot naman ako. Pinagtitripan na 'ko ng nanay ko. Kakaiba na 'to.
"Oh sige, mag-ingat ka sa pag pasok mo ha?"
Ngumiti nalang muna ako at naglakad na paalis. "Yes ma."
Pero nakaka-ilang hakbang pa lang ako nang tawagin niya ko ulit. "Anak, sandali."
Dahan-dahan naman akong lumingon. "Bakit?"
"Sigurado kang wala kang ibang babaeng pinapaiyak doon ha?"
Natawa naman akong napa-iling dun. Si mama talaga. "Wala ma. Good boy ako hahaha! Sige na po, mauna na 'ko." Habang pasakay ako sa kotse ko ay nakita kong kinawayan niya pa 'ko
"Ingat anak."
--
Pagka-pasok ko sa loob ng university, nakita kong nandun na yung barkada.
Kasama nanaman sina Kevin.
Hindi na 'ko nag-dalawang isip pa at dumiretso nalang sa loob ng music room.
Walang tao doon kaya binuksan ko nalang ang ilaw at aircon.
Umupo ako sa isang upuan at sumandal.
Huminga muna ako ng malalim bago i-angat ang ulo ko't tumitig sa kisame.
Alam ko, na malaki na kami, at lalake pa ko, para magtampo o magdrama dahil sa kanila.