Chapter 14

70 4 31
                                    

WARNING: Ang ganda ng author nito.

De joke. HAHAHAHA

Eto seryoso na,

RATED SPG PO.  HINDI SPG DAHIL MAY BASTOS OR SOMETHING. (Utak niyo grabe ah hahahahaha)

Basta, nag-warning na ko. Medyo harsh kasi mga mangyayari dito hehehehe sorry for the late update nga pala. Labyu all. :*

--------------

Chapter 14

Influences.

"LJ..." Sabi ko pagkamulat na pagkamulat ng mata ko.

Pero nagulat ako ng makita kong si Sabrina na naka-upo sa may tabi ko.

"Hey." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Okay ka na? Kamusta pakiramdam mo?" Tanong niya.

Nakita ko ang pamumugto ng mga mata niya.

Hindi ako sumagot..

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Narinig kong bumuntong-hininga muna siya bago bitawan ang kamay ko.

Suddenly, I felt guilty.

Kinagat ko ang ibabang labi ko bago muling humarap kay Sabrina.

"A-ano nangyari sa'kin?" Tanong ko.

"Nahimatay ka sa may gym. Sabi nila hindi ka rin daw naka-kain ng breakfast and lunch. Easton naman, sa yaman mong yan, 'di mo kayang bumili ng pagkain? Walangya naman oh. Pinagalala mo kaya ako."

I looked at her.

Pinagalala?

Talaga ba?

Nanatili lang akong walang kibo.

Maya-maya ay biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nun si LJ.

"Chase!"

Lumapit si LJ sakin at inakap niya 'ko. "Okay ka na ba? Ito oh, dinalhan na kita ng pagkain."

Ngumiti ako sa kanya. "Okay na ko. Ano yang dala mo?"

"Ano pa ba? Edi yung paborito mo!" Inilabas niya ang adobo sa plastik at binuksan ito.

Hmm.

Ang bango naman.

"Mukhang masarap ah. Ikaw nagluto?" Tanong ko.

Tumango siya. "Oo. Haha, tikman mo."

Nilagyan niya ng kanin at ulam ang kutsara tsaka sinubo sa'kin.

"Sarap nga, LJ! Pwede ka ng mag-asawa."

"Oo basta ba ikaw eh."

Napa-kunot noo naman ako sa sinabi niya.

Luh, bumabanat.

"Natawa ako sa joke mo. Hahahahaha!"

"Paano kung totohanin ko? Chase, I li--" Pucha ang bilis naman niya.

Sumingit si Sab. "Ehem, ate girl. Dahan-dahan ka lang sa pangcha-chansing sa boyfriend ko ah?"

Tumayo si LJ at lumapit sa kanya. "Hah, girlfriend ka? After ng ginawa mo sa kanya? Girlfriend pa ba tawag sayo?"

Nag-bulungan sila.

Ayan tuloy putek di ko marinig.

"Wala kang alam sa nangyayari, naiintindihan mo? Kaya wag ka ng makisawsaw. Lalo lang gugulo yung sitwasyon pag sumali ang wala namang alam."

All I Want {KN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon