Chapter 8

44 6 0
                                        

Enjoy reading! :)

Chapter 8

Expect the Unexpected.

*After 2 weeks*

Foundation week na bukas.

Boring nanaman.

Eh paano, booths lang ang open, wala ng sports.

Kainis!

Pero di bale na, after naman ng foundation week, lalaban ang varsity team (which is ang team ko) sa ibang schools.

Since foundation na nga bukas, half-day lang kami ngayon.

Pero ako hindi.

Eh sasamahan ko kasi si Sabrina. Diba nga, part siya ng isang org dito.

Kailangang samahan, inaabot pa kasi ng gabi. Mahirap na, protector niya ko dapat hindi siya mapahamak o madapuan pa ng lamok yan.

Joke lang, medyo OA na yun hahaha!

"Sure ka talagang sasamahan mo ko dito hanggang mamaya?" Tanong ulit sa akin ni Sab habang papasok sa isang room kung saan sila magme-meet ng mga ka-org niya.

Hay ang kulit!

"Oo nga! Ayaw mo ba?"

"Hindi naman sa ayaw. Eh ang akin lang, baka ma-inip ka."

"Patulungin mo nalang ako sa inyo para mabilis kayo, hindi pa ko maiinip." Naka-ngiti kong suhestiyon.

"Ayan! Great idea! Sige. For sure matutuwa yung mga kasamahan ko. Aish, puro fangirls mo pa naman yun."

Did I already mentioned na isa akong model? Model ng isang clothing line.

Model pero hindi artista. Hehe. Marami lang nakakakilala sa akin. At syempre, sikat ako sa university namin dito.

Yung father ko, co-owner ng university na ito.

Pero syempre, mas sikat pa rin kaysa sakin yung kapatid kong si Kevin.

Hindi lang kasi siya sikat dito, kundi sa iba pang branches.

Speaking of Kevin, hindi ko alam kung bakit masaya ako dahil hindi ko na nakikita pang ka-text ni Sab si Kevin.

Or hindi ko na silang nakikitang magkasama.

Siguro nga, friends lang sila.

Pero sa dalawang linggong nag-daan.....

May na-realize ako.

Crush ko nga yata si Sabrina. >.<

Crush lang. Ibig sabihin hindi pwedeng tumagal.

Hindi pwedeng lumalim.

Hanggang dun lang.

Ugh. Medyo bakla pakinggan nung confession ko.

Pero wala akong pakielam. Hehe.

Okay lang namang magka-gusto ako diba?

1st year college palang naman kami.

Baka nga bukas wala na to eh.

Well, sana nga.

Kasi ayokong lumalim yung nararamdaman ko sa kanya.

"Huy East! Nakikinig ka ba?" Napa-balik ako sa tuliro ng batukan ako ni Sabrina.

"Ah, oo."

Mukhang hindi naman siya naniwala dun. "Ako na nga lang." Sabi niya at aalis na sana pero pinigilan ko siya.

All I Want {KN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon