Chapter 16

43 4 2
                                    


(Hindi ko po alam kung saan ko nakuha yung mga pinagsasasabi ko sa last chapter hehehe.)

MAGU-UD PA RIN AKO MAY NAGBABASA MAN O WALA :)))))))))

Chapter 16

Pieces.

Pagkagaling ko ng ospital ay nagkaroon lang ako ng ilang araw na pahinga bago ulit ako maka-pasok sa university.

Ang swerte ko nga eh. Dahil kinabukasan non, sabado na at wala kaming pasok. Hehe.

Kaya naman,

"Max? Bukas ah." Rinig kong bulong ng nasa likod ko na si Adrian.

Kasalukuyan kaming nakikinig sa prof namin na walang ibang nagawa kundi ang i-kwento ang buhay niyang pwedeng-pwede na sa mmk.

Yung iba ay hindi na nakikinig.

Magkakaklase kami ng barkada ngayon. Alam na, sumipsip kami dun sa nag-aayos ng sched naming pito para magkakasama kami.

"Oo. What time ba ulit?" Tanong naman nitong si Maxene.

"Mga 2pm? Sunduin kita sa inyo."

"Sure, sure. Eastwood tayo!"

"Kahit saan, basta magkasama tayong dalawa." Pinaka-corny'ng banat na narinig ko mula sa isang makatang nangangalang, Adrian.

Tsk, parang ako 'di bumanat ng ganyan noon 'no? Hahaha.

At yung isa naman na nasa tabi nila,

"Babe, you want, sisig?" Natatawang tanong ni Jom.

"Hoy! Pakyu ka, alam ko na yang sisig, sisig na yan! Napanood ko yan dun sa movie nila Gerald eh. Tsaka, anong babe?! Di pa nga kita sinasagot." Pagsusungit naman ng nililigawan niyang si Cindy.

"Sweet mo naman po."

"Tse!"

"Oh sige na! Pupunta nalang tayo dun sa favorite Japanese Restaurant mo. Saan nga ba yun?" Paglalambing ni Jom.

Rinig ko ang impit na kilig ni Cindy. "Basta libre mo ah! Malapit lang yon." Sabi nito na parang hindi nagalit kani-kanina lang.

"Okay!"

Syempre, papahuli pa ba ang macho kong kaibigan? *smirk*

"Uy Chris!" Bulong ni Debby na nasa tabi ko. Ang nasa kanan ko naman ay si Sab.
"Ano yon, Beb?" Sabi naman ni Chris.

"Beb?!"

"Deb kasi yon." Pagpapalusot niya.

"Tsk. Reto mo naman ako sa kahit na sinong boylet na kilala mo. Please?"

Kita kong napa-irap si Chris. "Sus. Naghahanap ka pa ng iba nandito naman ako eh."

"Yuck! Di ako pumapatol sa bading 'no!"

Napa-ayos ng upo si Chris at hinawi ang buhok niyang may kunwaring bangs.

"Biro lang friend. Hahaha!" Aniya. "Bukas ihahanap kita ng boylet mo. Promise! Sa may BGC us!" At pumalakpak pa siya na parang excited na excited.

Hahahahaha!

Galing mag-panggap.

Napa-ngiti na lamang si Debby at niyakap bigla si Chris.

Agad naman siyang niyakap nito pabalik.

Tumingin si Chris sa'kin at nag-thumbs up kami.

Kinalabit naman ako bigla ni Sabrina. "Huy.."

All I Want {KN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon