Chapter 11

50 5 32
                                    

Chapter 11

Accident.

Hindi ko alam kung ano ang mga susunod na gagawin ko.

Nalilito, nag-aalala. Ewan!

Parang bigla akong nanigas sa kinauupuan ko pero agad-agad din naman akong tumayo at lumapit kay Ryan.

"Nasaan siya?!" Tanong ko.

"St. Luke's."

Pagka-sagot niya ay nataranta ako bigla.

"Bakit?! Nabangga ba siya?! Ano? Nawalan ng preno yung kotse?!" Pilit kong tinatanong habang sinasabunutan ko yung buhok ko.

"Pre hindi ko alam may nakapagsabi lang sakin kaya hinanap kita kaagad."

"Ay shunga East! Kung tumatakbo na kaya tayo papuntang kotse mo?!" Singit naman ni Sabrina habang hinihila ako.

Hindi na kami nag-paalam pa kay Ryan at agad kaming tumakbo papuntang parking lot.

"Teka bakit ka sasama?" Tanong ko habang lakad-takbo na kami papunta sa kotse ko.

"Wag ka ng maraming tanong. Gusto kong sumama kasi ayokong nag-iisa ka. Kaya kung hindi mo ii-start itong sasakyan mo, tatadyakan na talaga kita." Pagbabanta niya.

Pagkasabi niya nun ay agad ko ng inikot yung susi dala na rin ng takot.

Binilisan ko na ang pagda-drive.

"Huminahon ka nga." Sambit ni Sabrina habang hawak-hawak ang dibdib niya. "Mukhang gusto mo 'kong patayin eh." Kinakabahan pa nitong sabi.

"Ay sorry." Napa-kagat naman ako sa labi ko.

Hindi nagtagal ay narating din naman namin kaagad ang ospital.

"Helena Ford." Sabi ko sa receptionist habang hinahabol ang hininga ko.

Ngumiti pa ito ng matamis sa akin. "Wait lang po sir." Nang-aakit niyang saad.

"ANO BA MISS?! NAGMAMADALI KAMI!" Sigaw ni Sabrina.

Nataranta yung babae. "Ah sorry sorry eto na po. Nasa operating room po siya. Sa may 3rd floor po." Nagmamadali niyang sabi.

Tumakbo naman kami kaagad ni Sabrina papunta sa may elevator.

Paulit-ulit kong pinindot yung buttons dahil ayaw bumukas. "Ang bagal bwiset!" Sabi ko pa.

Parang gusto ko tuloy suntukin yung pinto ng elevator.

"Hoy bumukas ka! Put--"

"Tanga 'di sasagot yan." Singit ni Sab.

Aba't!

Kanina pa ko tina-tanga nito ah.

Pero oo nga, tanga nga naman ako.

Biglang bumukas ang elevator at dali-dali kaming pumasok dito ni Sab.

Habang naghahanap kami ay may nurse kaming naka-salubong na kakalabas lang mula sa isang operating room. "Miss! Helena Ford po? Nasaan po?" Tanong ko.

"Ay, pamilya po kayo sir? Nandun po siya." Tinuro niya ang isang room na pinanggalingan niya.

"Oho. Salamat." Sabi ko at tumango lang siya.

Papasok na sana ako sa loob ng may isa namang lalaking nurse ang pumigil sa'kin. "Sir bawal po kayong pumasok. Antayin niyo nalang po yung doktor."

"Umalis ka sa harap ko! Pupuntahan ko nanay ko!"

"Easton tumigil ka muna!" Ani Sab.

Dumating pa ang isa pang lalaking nurse at hinawakan ako ng mahigpit sa braso. "Sir bawal po talaga."

All I Want {KN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon