(Dalawang povs lang po ang laging gamit ko sa story. :) be aware if nagbago na po ako ng pov or not. And, laging si Chase po ang unang pov. Siya lang naman ang gamit kong character lol.)
Chapter 15
Hunting your past.
CHASE
"Oh, gising ka na." Lumingon ako sa kanan at nakita ko si Ninong Eric na nagaayos nung dextrose ko.
Sinubukan kong bumangon pero pinigilan niya 'ko. "Bawal ka pa bumangon, Chase." Humarap siya sa'kin.
Tinignan niya muna ang paligid bago siya nagsalita. "Explain it to me. Gusto ko yung totoo lang ang isasagot mo."
"Ano po ba ibig ninyong sabihin Ninong?"
"Bakit may shabu sa bulsa mo? Chase, muntikan ka ng mahuli nung pulis kundi ko lang kaibigan yon.... naka-posas ka na ngayon kahit naka-higa ka pa dito." Sabi niya ng madiin.
Ipapaliwanag ko na ang lahat ng biglang bumukas ang pinto.
"Charles."
"Chase." Pagkabanggit niya ng pangalan ko'y napa-iwas ako ng tingin.
"Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong niya.
"Ayos lang." Sagot ko pero hindi ko parin siya tinitignan.
"Maiwan ko muna kayo. Babalik nalang ako mamaya," pagpaalam ni ninong at bumaling sa akin. "Chase?"
Tinanguan ko lang siya bago siya tuluyang lumabas.
Pagkalabas ni Ninong ay dahan-dahang naupo si Charles sa tabi ko at inilagay niya yung mga dala niyang pagkain sa katabing mesa.
"Pasensya na kina Lance ah." Pagsisimula ni Charles.
"Dapat sinunod mo na talaga yung mga kaibigan mo nung una palang eh." Sa sinabi niyang iyon ay napakunot-noo ako.
Pinipilit kong isipin kung ano yung nais niyang iparating talaga sa'kin.
"Ganyan din ako... hindi ko inalam kung sino talaga yung mga tunay kong kaibigan. Mas pinili ko sina Lance kesa dun sa mga taong hindi talaga ako iiwan eh. Kaya tignan mo nangyari sa'kin ngayon, kasangkot na ko dun sa mga drugs ni Kyle kahit hindi naman ako gumagamit ng ganun."
"Ano bang pinagsasasabi mo?"
Tumayo siya. "Layuan mo na sila. Kalimutan mo. Wag mo silang isusumbong sa pulis."
"Bakit naman? Eh dapat lang--"
"Basta makinig ka sa'kin!!" Napa-kurap ako nung sumigaw si Charles. "Gawin mo nalang yung mga sinabi ko."
Pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa pinto at lumabas.
Ngunit may sinabi pa siya, "Mag-iingat ka nalang pre."
Napaka-weirdo talaga non.
Tsk.
Bakit ba walang dumadalaw sa'kin ngayon?
Alam ba nilang na-ospital ako?
Kingina, parang gusto ko kasi ng pagkain! Gutom na gutom na 'ko. Nilalamon na yung intestines ko.
Tumingin nalang ako sa kanan ko at kinuha ang isang supot na dala ni Charles.
Hmm,
Oy...
Fried Chicken. Hahaha!
Susubo na sana ako ng bumukas ulit yung pinto.
Naknang!