Chapter 13

70 6 29
                                    

Chapter 13

Match.

Weeks passed.

At sa ilang linggong iyon, ay maraming nagbago.

Kami ni Sabrina ay hindi na masyadong nakakapag-usap. Hindi ko din alam.

Siguro dahil busy siya sa pag-aaral at hindi siya nakakasama sa gala naming magkakaibigan.

Si Jom at Cindy naman, ayun, nagliligawan na.

Akalain mo nga naman na may mabubuong pagtitinginan sa dalawang taong hindi nagkikibuan.

Pero hindi naman lahat nagbago talaga eh.

Na-ilabas na rin ng hospital si mama.

Ngunit hindi pa rin namin nahahanap ang kapatid ko.

:(

Tangina talaga nun ni Miguel. Inosente yung bata, hindi niya alam kung ano na pinaggagagawa ng tatay niyang walanghiya.

Ini-report naman namin iyon sa mga pulis para tulungan kami sa paghahanap.

Pero nakaalis na ng bansa sila Alex.

My mom cried that night. She cried a lot.

And I swear, pag nakita ko talaga yang pagmumukha ni Miguel, hindi niya magugustuhan ang gagawin ko sa kanya.

Ipapa-rape ko siya sa bakla.

Kingina niya.

Tsk.

Mamayang hapon, may laban kami ng basketball at parang try-out na rin sa mga gustong sumali.

Bilang ako ang team captain, ay sa'kin sila nagpasa ng mga pangalan nila.

"Kuya Chase!" Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa tumawag ng pangalan ko.

"Oh?"

Isang lalaki at hingal na hingal ang sumalubong sa'kin.

"Eto yung..... ano... sasali kasi ako sa try outs mamaya." Sabi niya habang hinahabol ang hininga niya.

Inabot niya sa'kin ang isang pirasong papel.

Dwayne San Juan, 17

"Okay." Sabi ko naman at isinilid sa bulsa ko ang papel na bigay niya.

"May kailangan ka pa?" Tanong ko.

"Ah, anong oras po ba?"

"Wag ka ng mag-'po'. Sa gwapo kong to, 'di naman ako mukhang matanda." Natawa naman siya sa sinabi ko.

Leche talaga hindi naman ako nagjo-joke eh.

"3pm ang start." Sagot ko. "Osya, may klase pa 'ko eh. Ikaw rin baka mahuli ka. Kita nalang tayo ulit mamaya."

Nagpaalam muna siya sa'kin bago siya umalis.

Pumasok ako sa loob ng classroom. Last class na namin to pagkatapos ay laban na.

As expected, marami nanamang tao mamaya sa loob ng gym.

Pagkatapos rin kasi ng basketball ay may try out din sa ibang sports.

Balita ko'y sumali si Sabrina sa volleyball.

Hahaha, mapanood nga mamaya yung isang yun.

Na-upo na 'ko sa upuan ko.

Alangan naman sa lamesa ng teacher ako umupo diba? Bastos naman 'yun.

Pansin kong ang tahimik ni Adrian.

All I Want {KN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon