Chapter 18

73 3 3
                                        

Chapter 18

Bring me to life.

"So..... kayo na?" Seryosong tanong ni Chris sa kaibigang si Chase.

"Kwento ka naman, brad!" Sabi naman nitong si Jom.

Silang tatlo pa lamang sa barkada nila ang nasa university.

Hindi din nila alam kung magkakasama ba yung mga babae at wala sila doon.

At baka tinamad naman itong si Adrian at sa afternoon classes na lamang papasok.

"H-hindi ko alam..." Sagot ni Chase.

Bumagsak ang dalawang balikat nila Jom. "Seryoso ka?"

"Ayaw niya ng may label kami.. pero pare! Sabi niya mahal niya ko. Narinig ko yun kahit binulong niya lang. S-sigurado naman ako dun.. Hindi ko lang alam kung ano nga ba ang meron kami talaga. Basta masaya ako okay na ko sa ganyan.. Handa naman akong maghintay eh.. yun nalang siguro muna." Paliwanag ni Chase.

"Weh? Talaga? Wala pa nga?" Pangungulit ni Jom.

"Naglaplapan na kayo, wala pa rin talaga?"

"Ulul! With love yun." Pagtanggi naman ni Chase.

Humalakhak si Christopher. "HAHAHAHAHAHAHA! LAPLAP WITH LOVE! SHET PARE KADIRI!"

"Makapag-sabi ng kadiri, parang siya 'di pa ginagawa ah." Chase.

"Oo nga, kung sino-sino nga yung chicks mo d'yan eh." Jom.

"Ay ganyanan? Biglang bigay sa'kin nung topic?"

Nagtawanan nalang sila tapos ay bigla nanamang nagseryoso.

Hindi nga nila alam kung seryoso pa 'yun dahil sa pagitan ng pag-uusap nila ay walang hindi matatawa sa pinag-uusapan nila.

Mga kalokohan nanaman.

"Pero bakit kaya ganun ano? Minsan talaga hindi ko na maintindihan yung mga babae.. nagagalit nalang sila bigla tapos hindi mo alam dahil pala sayo. Kailangan ba makiramdam muna tayo?" Sabi ni Jom.

"Siguro. Eh kasi, alam din naman natin siguro yung mali na nagawa natin diba. Da't aware tayo." Chase.

Tumikhim si Chris. "Mga brad ganito kasi yan, kahit lalaki tayo, dapat mahaba ang ano natin..."

"Ang ano?" Tanong ni Chase na may nakakalokong-ngiti.

"Green minded!!!" Kantyaw naman ni Jom.

"Ulol! Baka ikaw!!"

Tumawa na lamang si Chase bago hinayaan ang kaibigang si Chris na magsalitang muli.

Tinapos ni Chris ang tawa niya bago nagsalita. "Okay, as I was saying, dapat mahaba ang pasensya natin. Intindihin natin kasi babae yan eh. Hindi yung sasabayan pa natin yung galit nila. Kaya ayun, nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan, kasi parehas kayo na galit eh. Eh kung yung isa galit, habang ikaw iniintindi siya edi walang problema diba? Yung linyang, 'mag-aaway pero hindi maghihiwalay' totoo din naman yan. Hahahaha! Akin lang, tama si Chase, dapat aware tayo sa mga nagawa natin. Kahit maliliit na bagay lang yan. Pagdating sa babae kasi may ibang kahulugan yung ibang ginagawa mo eh. Kung sayo wala, sa kanila meron. Ganon."

Pumalakpak si Jom habang tumatawa. "Kabog pre! Kabog!"

*pok*

"Gago to! Yun na yun eh! Seryoso na ko eh!" Sabi naman ni Chris pagkatapos batukan ang kaibigan. "Taga-sira ng momentum."

Ngunit isang nakakainis na tawa lamang ang isinukli ni Jom. "Labyu orb."

Natigil lamang sa pagtawa ang tatlo ng dumating si Adrian na naka-busangot ang mukha.

All I Want {KN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon